icon__search

Pamumuhay sa Ilalim ng Pagka-Panginoon ni Cristo

Week 3

𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣

• Anong pag-aari ang palagi mong itinatago sa isang ligtas na lugar? Bakit ito mahalaga sa iyo?

• Ano ang isang pagkaing inaayawan mo noon na gusto mo na ngayon? Ano ang nagpabago sa isip mo?

• Paano mo ilalarawan ang iyong sarili ayon sa iyong mga ari-arian? Ituturing mo ba ang iyong sarili na isang dalubhasa sa pagtanggal ng mga hindi mo na ginagamit o nahihirapan kang gawin ito? Ipaliwanag ang sagot mo.


𝗪𝗢𝗥𝗗

𝘉𝘪𝘯𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘪𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘵𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘴𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘶𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘋𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘶𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘯ʼ𝘺𝘰, 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺. 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘯ʼ𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰. 𝘚𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘥𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯. 𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟯:𝟭-𝟰


(Basahin din ang 𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟯.)


Inilarawan ni Pablo ang mga mananampalataya bilang mga namatay, na nabuhay muli kasama ni Cristo, at ang ating buhay bilang itinago ng Diyos na kapiling si Cristo. Nangangahulugan ito na ang ating lumang makasalanang buhay ay hinarap sa krus. Hindi lamang tayo pinatawad, kundi tayo rin ay nahiwalay sa kapangyarihan ng kasalanan. Sa buhay natin ngayon, nabubuhay tayo para sa Diyos. Sa araling ito, titingnan natin kung ano ang larawan ng pamumuhay sa ilalim ng pagka-Panginoon ni Cristo bilang resulta ng nabanggit na katotohanan.


𝟭. 𝗛𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝗸𝗱𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗮𝘆.

𝘉𝘪𝘯𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝙨𝙞𝙠𝙖𝙥𝙞𝙣 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙢𝙩𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙩 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘴𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘶𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘿𝙤𝙤𝙣 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙞𝙩𝙪𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙞𝙥 𝙣ʼ𝙮𝙤, 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟯:𝟭-𝟮


(Basahin din ang 𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟯:𝟯-𝟰.)


Dahil namatay na tayo sa kasalanan, hindi na natin dapat ituon ang ating isipan sa pagtupad sa dati nating mga makasalanang pagnanasa. Sa ilalim ng pagka-Panginoon ni Cristo, namumuhay tayo ngayon nang may malapit na ugnayan sa Kanya bilang pinagmumulan ng ating buhay at dahilan ng ating pamumuhay. Makatwiran lamang na hangarin natin Siya at ang mga bagay ng Diyos. Kapag itinuon natin ang ating isip sa Kanya, kinikilala natin na Siya ang patuloy na laman ng ating mga isipan. Isinasaalang-alang natin kung paano Siya pasayahin at kung paano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa Kanya. Ano ang mga resulta ng paglalagay ng ating isipan sa mga bagay ng Espiritu ayon sa Mga Taga-Roma 8:6?


𝟮. 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗺𝘂𝗻𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻.

𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘶𝘯𝘥𝘶𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰: 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘦𝘬𝘴𝘸𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘪𝘮𝘰𝘳𝘢𝘭𝘪𝘥𝘢𝘥, 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘴𝘸𝘢𝘢𝘯, 𝘱𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘮𝘣𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘮𝘣𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘪𝘺𝘰𝘴-𝘥𝘪𝘺𝘰𝘴𝘢𝘯. . . . 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘢𝘬𝘸𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰: 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘵, 𝘱𝘰𝘰𝘵, 𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣, 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘸𝘢, 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢. 𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟯:𝟱-𝟴


Ang pamumuhay na nakahiwalay para sa Diyos ay nangangahulugan ng pagpatay sa anumang pag-aari ng lumang makasalanang kalikasan. Hindi na tayo dapat maki-ugnay sa mga bagay na iyon, tulad ng hindi natin pakikipag-ugnayan sa mga taong namatay na. Ang ating mga dating paraan ay walang lugar sa isang buhay na kaisa ni Cristo. Maraming beses sa Banal na Kasulatan, ang buhay at kamatayan ay hindi tungkol sa langit o impiyerno ngunit tungkol sa anumang karanasan o paglihis sa kalidad ng buhay na nais ng Diyos para sa atin. Paano inilarawan sa Mga Taga-Roma 6:12–13 ang katotohanang ito? Ano ang mga pakinabang ng pagpatay sa mga gawa ng dating makasalanang kalikasan?


𝟯.  𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗼𝘁 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗶𝗴 𝗻𝗶 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼.

𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘭𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵, 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘶𝘮𝘣𝘢𝘣𝘢, 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨𝘵𝘪𝘪𝘴. 𝘔𝘢𝘨𝘱𝘢𝘴𝘦𝘯𝘴𝘪𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢ʼ𝘵 𝘪𝘴𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥 𝘥𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘈𝘵 𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵, 𝘮𝘢𝘨𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘥𝘶𝘥𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢. 𝗖𝗢𝗟𝗢𝗦𝗔𝗦 𝟯:𝟭𝟮-𝟭𝟰


Bilang minamahal ng Diyos ngayon na itinalaga para sa Kanya, dapat nating isuot ang pag-ibig na natanggap natin mula kay Cristo. Isinuot natin ang ating bagong pagkatao, na binabago upang maisalamin natin ang Diyos. Habang itinuturing natin ang ating sarili na patay na sa kasalanan at itinalaga para sa Diyos, natututo tayong magmahal at magpatawad sa iba tulad ng pagmamahal at pagpapatawad Niya sa atin. Sa ilalim ng Kanyang pagka-Panginoon, tayo ay nagiging mas mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, maamo, at matiyaga sa iba. Ano ang sinasabi ng Colosas 3:17 tungkol sa nakakahikayat sa atin na  kumilos para sa ikabubuti ng mga nakapaligid sa atin?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

• Pag-isipan ang Colosas 3:3 at Mga Taga-Galacia 2:20. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng mga ito? Maglaan ng ilang oras upang pagnilayan ang mga talatang ito sa darating na linggo.

• Saan mo itinuon ang isipan mo nitong nakaraang linggo? Paano ito nakaapekto sa kalidad ng iyong buhay at kaugnayan sa Diyos at sa iba pa?

• Paano mo naranasan ang pag-ibig ng Diyos? Sa palagay mo, paano mo maisusuot ang pag-ibig ng Diyos sa linggong ito? Paano kaya ito makikita? (hal., pagpapatawad, pakikiramay, pagkakasundo)


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

• Pasalamatan ang Diyos sa pagdadala sa iyo sa Kanyang kaharian, kung saan ang Kanyang pag-ibig ay mas mahalaga kaysa anumang bagay na matatagpuan natin sa lupa. Ipanalangin na patuloy mong maipamuhay ang isang buhay na nakatago kay Cristo.

• Manalangin para sa Kanyang biyaya habang ikaw ay patuloy na nagbabago upang maging higit na katulad Niya, na pinapatay kung ano ang makamundong nasa iyo.

• Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung kanino ka maaaring magpakita ng pagmamahal (habag, kabaitan, pagpapakumbaba, pasensya, pagpapatawad). Ipagdasal na ikaw ay magmahal at umakay ng mga tao kay Cristo.