๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Kung pwede mong makasama ang isang sikat na tao o taong hinahangaan mo nang buong araw, sino ang gugustuhin mong makasama at bakit?
โข Ano ang isang bagay na sa palagay mo ay magpapakumpleto sa buhay mo kung mayroon ka nito?
โข Isipin ang isang bagay na napilit ka ng isang tao na bilhin o gawin. Ano ito at bakit mo pinaniwalaan ang taong ito?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ฉ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ข๐จ๐ฐ ๐ข๐ต ๐๐ถ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ช ๐ก๐ฆ๐ฃ๐ฆ๐ฅ๐ฆ๐ฆ, ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ด๐ฐ๐ด๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ช๐ฎ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ช๐ฎ๐ฐ๐ฏ, โ๐๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ฌ๐ฐ๐ต. ๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ช๐ด๐ฅ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ถ๐ฉ๐ถ๐ญ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด.โ ๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ช๐ต๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข, ๐ช๐ฏ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ข๐ต ๐ด๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด.ย ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฑ:๐ญ๐ฌ-๐ญ๐ญ
Ang pagiging Kristiyano ay mahirap at dahil ito sa lahat ng kinakaharap nating mga matitinding laban sa buhay at sa maraming bagay na kailangan nating gawin para sa ating mga pamilya, sa trabaho o eskwela. Kaya ngaโt nakakatukso minsan na pumunta ng iglesya nang hindi makikibahagi sa mga gawain at iba pang mga aktibidad sa iglesya. Ngunit ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging tagasunod ni Cristo? Paano nito naaapektuhan ang ating mga buhay at mga ugnayan? Tingnan natin ang buhay ng mga disipulo, kung paano lumago ang kanilang ugnayan kay Jesus habang ibinubukod Niya sila at tinawag na sumunod sa Kanya. Ano ang ibig sabihin ng pagsunod kay Jesus at pamumuhay kasama Niya?
๐ญ. ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐๐น๐ผ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ.ย
. . . ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ช๐ฎ๐ฐ๐ฏ, โ๐๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ฌ๐ฐ๐ต. ๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ช๐ด๐ฅ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ถ๐ฉ๐ถ๐ญ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด.โ ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฑ:๐ญ๐ฌ
Nabalitaan na malamang ni Simon, na kilala din bilang si Pedro, at ng iba pang mga disipulo ang tungkol kay Jesus at ang mga himalang Kanyang nagawa. Naniwala sila na Siya ang ipinangakong Mesias, ang Banal na Diyos. Isang natatanging pribilehiyo ang malapitan ni Jesus habang ginagawa Niya ang Kanyang paglilingkod. Pagkatapos umakyat sa kanilang mga bangka at tulungan silang makahuli ng ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ฅ๐ข, inanyayahan sila ni Jesus na sumunod sa Kanya at makiisa sa Kanyang paglilingkod. Ito na ang pagkakataon nila na makilala si Jesus, kung sino Siya, at kung ano ang magagawa Niya, at makita kung paano maisasakatuparan ang pangako ng Diyos kay Jesus. Personal silang inanyayahan na malapitang sumunod kay Jesus, at ang iba pa nga sa kanila ay pinili talaga na maging mga apostol Niya (Lucas 6:13โ16). Tulad nito, ang pagtawag sa atin na maging mga disipulo ni Jesus ay isang tawag na makipag-ugnayan kay Jesus. Balikan ang panahong tinawag ka ni Jesus sa Kanyang Sarili. Ano ang naging dahilan ng desisyon mong sumunod sa Kanya?
๐ฎ. ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐ป๐ผ๐ฑ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ต๐๐น๐๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐.
๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ช๐ต๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข, ๐ช๐ฏ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ข๐ต ๐ด๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด.ย ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฑ:๐ญ๐ญ
Tumugon ang mga disipulo sa paanyaya ni Jesus nang walang pag-aalinlangan. Binigyang-diin pa nga ng ibang mga Ebanghelyo na iniwan nila agad ang kanilang mga bangka upang sumunod sa Kanya (Mateo 4:20). Tila wala ito sa katwiran. Pangingisda halos ang alam gawin ng mga disipulo. Kung wala ito, hindi sila magkakaroon ng matatag naย hanapbuhay para sa kanilang mga pamilya. Ngunit sa isang salita ni Jesus ay iniwan nila ang lahat. Nakita at nakatuon sila hindi sa kung ano ang maaaring mawala sa kanila kundi kung sino ang maaari nilang makamit. Kung itatapat kay Jesus ang lahat ng mga bagayโang ating mga pagnanais, ang ating mga pangangailanganโang lahat ng ito ay mawawalan ng kahalagahan. Hindi madali ang sumunod kay Jesus, ngunit Siya ay karapat-dapat. Ano ang sinasabi ni Jesus sa Lucas 18:28โ30? Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa pagpapahalaga kay Jesus at sa Kanyang kaharian nang higit pa sa anuman o sinuman sa buhay na ito?
๐ฏ. ๐ช๐ฒ ๐ณ๐ผ๐น๐น๐ผ๐ ๐๐ฒ๐๐๐ ๐ถ๐ป ๐ฐ๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐.ย
๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ช๐ต๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข, ๐ช๐ฏ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ข๐ต ๐ด๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด.ย ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ฑ:๐ญ๐ญ
Bagamaโt ang paanyayang ibinigay ni Jesus sa mga nauna Niyang disipulo ay personal,
malinaw na ito rin ay pangkomunidad. Sa kabuuan ng paglilingkod ni Jesus kasama ang Kanyang mga disipulo, magkakasama silang sumusunod sa Kanya at gumagawa ng mga bagay. Ang paglalakbay nila kasama si Jesus ay isinabuhay nila sa isang komunidad. Nakita nila kung paano makitungo si Jesus sa bawat isa sa kanila at kung paano tumutugon ang bawat isa kay Jesus. Kahit ang mga aral na itinuro ni Jesus sa kanila ay isang karanasan na sama-sama nilang pinagdaanan. Ang pagsunod kay Jesus ay isang paglalakbay na bahagi ng paglalakbay ng iba. Paano ito naging totoo sa buhay mo? Ano ang natutunan mo sa pagbabahagi mo ng iyong buhay sa iba pang mga tagasunod ni Jesus?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng personal na ugnayan kay Jesus? Anong mga hakbang ang pwede mong gawin upang lumago at mas sadyain ang paglago ng iyong ugnayan sa Kanya?
โข Ano ang ilang mga bagay na isinuko mo upang sumunod kay Cristo? May mga bagay pa ba na kailangan mong isantabi upang pahalagahan si Cristo nang higit sa lahat? Paano makakatulong ang pinag-usapan ngayon para magawa mo ito?
โข Sino ang kasama mo sa pagsunod mo kay Jesus? Kanino mo maipapaabot ang paanyaya ni Jesus na sundin Siya? Sa paanong paraan mo matutulungan ang taong ito na simulan ang kanyang paglalakbay sa pagiging isang disipulo?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa personal Niyang paanyaya na makilala Siya at maglakbay kasama Siya sa pamamagitan ni Cristo. Ipanalangin na maging sensitibo ka sa Kanyang Espiritu habang intensyonal mo Siyang kinikilala at lumago ka sa ugnayan mo sa Kanya.
โข Hilingin sa Diyos na buksan ang iyong mga mata sa mga bagay na maaaring pinahalagahan mo nang higit pa kay Cristo. Ipanalangin na magkaroon ka ng kakayahang pahalagahan si Cristo nang higit pa sa lahat sa iyong mga pag-iisip, salita, at gawa.
โข Pasalamatan ang Diyos para sa mga taong inilagay Niya sa iyong buhay. Ipanalangin na matulungan ninyo ang isaโt isa na sumunod kay Jesus at sama-sama kayong manghuli ng mga tao.