icon__search

Ang Salita ay Nagbibigay Buhay

Week 2

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Ano ang pinakamagandang nangyari sa iyo kamakailan lang?
โ€ข Kung maaari kang mabuhay sa pamamagitan lamang ng limang bagay at magagawa mong piliin kung ano ang limang ito, anu-ano ang mga pipiliin mo at bakit?
โ€ข Pangalanan ang bansang gusto mong puntahan o kaya ay magbigay ng larawan ng pinapangarap mong bahay.


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
โ€œ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฑ:๐Ÿฎ๐Ÿฐ

(Basahin din ang ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฑ:๐Ÿฎ๐Ÿญโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฑโ€“๐Ÿฎ๐Ÿต.)

Maaaring araw-araw nating naiisip ang uri ng buhay na nais natin para sa ating sarili. Pinalilibutan natin ang ating sarili ng mga taong mapagkakatiwalaan natin at kumukuha tayo ng mga bagay na magpapa-unlad ng kalidad ng ating buhay. Bagamaโ€™t mabuti naman ang mga ito, may isang mas malalim na pangangailangan na dapat mapunan. Lahat tayo ay naghahanap ng buhay na may kahulugan at layunin. Hindi ito maibibigay ng mundong ginagalawan natin. Ang magandang balita ay hindi natin kailangang tumingin pa sa mas malayo upang maranasan ang ganap na buhay. Sa araw na ito, titingnan natin ang uri ng buhay na inaanyayahan tayo ni Jesus na tanggapin habang nabubuhay tayo ayon sa Kanyang salita.


๐Ÿญ. ๐—ฆ๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†.
โ€œ๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฑ:๐Ÿฎ๐Ÿญ

Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay. Ibinigay Niya sa Kanyang Anak na si Jesus ang kapangyarihan na magbigay ng hatol, bumuhay ng mga patay, at magbigay ng buhay sa mga naniniwala sa Anak. Tulad ng pangangailangan nating panatilihing malakas ang ating pangangatawan araw-araw, kailangan natin si Jesus para mapanatili ang ating mga buhay. Sa tuwing nararamdaman natin na tayo ay walang gana o kaya ay naliligaw, maaari tayong tumingin kay Jesus bilang ating tagapagbigay ng buhay at tagapagpalakas ng espiritu. Ano ang sinasabi ni Jesus sa Juan 10:28โ€“30 tungkol sa buhay na walang hanggan?


๐Ÿฎ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป.
โ€œ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. . . . ๐˜๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฑ:๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿดโ€“๐Ÿฎ๐Ÿต

Ang uri ng buhay na nais ibigay sa atin ni Jesus ay iba sa nais ibigay ng mundo. Ito ay buhay na walang hanggan kung saan mararanasan natin ang kabuuan ng Kanyang pagmamahal. Ibinibigay Niya ito sa atin hindi dahil sa mabubuting ginawa natin, kundi sa pamamagitan ng pagtanggap at paniniwala sa Kanya. Magagawa nating tumugon sa paanyayang ito, makaranas ng muling pagkabuhay, at mamuhay nang may layunin. Bilang mga mananampalataya, bakit natin magagawang tumingin sa hangganan ng ating mga buhay at sa hangganan ng mundo nang may pag-asa?

๐Ÿฏ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐˜‚๐—บ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ธ๐—ผ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ป.
โ€œ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ: ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿณ:๐Ÿฏ

Ang buhay na walang hanggan na ibinibigay ni Jesus ay hindi nagsisimula sa pisikal nating kamatayan. Ang buhay na walang hanggan ay tumutukoy sa buhay na nais ng Diyos na maranasan natin sa Kanyang kaharian sa kasalukuyang panahon, at maging sa walang hanggan. Kung tayo ay mananampalataya kay Jesus, mararanasan natin ang buhay na walang hanggan simula ngayon. Hindi lamang natin malalaman ang tungkol kay Jesus. Iniimbitahan Niya tayo na sumunod at mamuhay sa piling Niya at magkaroon ng ugnayan sa Kanya. Kapag nararanasan natin kung sino Siya, magagawa nating isapamuhay ang buhay na tinawag Niya tayong isapamuhayโ€”ang isang matagumpay na buhay Kristiyano. Sa palagay mo, bakit may mga taong naiuugnay lamang ang buhay na walang hanggan sa buhay pagkatapos ng pisikal na kamatayan? Paano nabago ang pananaw mo ng katotohanan na bahagi ng buhay na walang hanggan ang buhay natin sa kasalukuyan?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Ganap ka na bang nagtitiwala kay Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas at buo na ba ang loob mo na sumunod sa Kanya? Kung hindi pa, nais mo bang manalangin tayo ngayon upang tanggapin mo ang buhay na walang hanggan na ibinibigay Niya sa iyo?
โ€ข Ano ang ilang bahagi sa buhay mo na kailangan mong ibalik sa kaayusan? Ano ang panalangin mo para sa bahaging ito ng buhay mo?
โ€ข Isipin ang isang kapamilya mo na namumuhay nang palayo sa Diyos. Ano ang maaari mong gawin upang masabi sa kanya ang tungkol sa walang hanggang buhay na mayroon tayo kay Cristo? Hilingin sa isang kasama mo sa grupo na pakinggan ang nais mong ibahagi sa kapamilyang ito.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Pasalamatan ang Diyos sa walang hanggang buhay na mayroon tayo kay Jesus. Pasalamatan Siya na maaari nating maranasan ang buhay na ito ngayon.
โ€ข Hingin sa Diyos ang mas malalim na pagkakilala sa Kanya habang patuloy mong binabasa ang Kanyang salita. Ipanalangin ang patuloy na paglago ng ugnayan mo sa Diyos sa bawat paglipas ng mga araw.
โ€ข Pag-isipan kung paano mo magagawang makibahagi sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos dito sa lupa at sa pagbabago ng komunidad at industriya na kinabibilangan mo.