icon__search

Katapatan sa Gitna ng Kawalang Katiyakan

Week 5

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Balikan ang isang sitwasyon noong bata ka na naramdaman mong hindi ka pinansin o isinali ng iba. Ano ang nangyari at paano ka tumugon sa sitwasyong ito?
• Masasabi mo bang ikaw ay madaling maapektuhan ng mga opinyon ng ibang tao tungkol sa ‘yo? Bakit mo ito nasabi?
• Paano mo ilalarawan ang isang matapat na tao? Magbigay ng ilang mga bagay na sa palagay mo ay dapat o hindi dapat ginagawa ng isang matapat na tao.


𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘶-𝘢𝘯𝘰ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘢 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘥𝘦𝘳 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘴𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘪𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘥𝘪𝘵𝘰, 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘮𝘶𝘵𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘬𝘰𝘵. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘶𝘮𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘪𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘳𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘣𝘪𝘭𝘰𝘯𝘪𝘢: 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨𝘬𝘦𝘳𝘰, 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘴𝘵𝘳𝘰𝘭𝘰𝘨𝘰, 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘩𝘶𝘩𝘶𝘭𝘢. 𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘭𝘢, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢, “𝘈𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘩𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘳𝘭𝘪𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘴𝘶𝘴𝘶𝘰𝘵𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘸𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴. 𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘢ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘶𝘯𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯.” 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟱:𝟱-𝟳

(Basahin din ang 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟱:𝟭–𝟰, 𝟴–𝟯𝟭.)

Sa panahong ito, si Belshazar na ang pinuno ng imperyo ng Babilonia. Tulad ng pinunong nauna sa kanya, siya ay makapangyarihan at mapagmataas. Ngunit ang kaibahan niya kay Nebucadnezar ay hindi niya kinilala ang Diyos at hindi niya binago ang kanyang mga pamamaraan. Bilang resulta, ang kaharian ni Belsshazzar ay biglaang nagwakas.

Ito ang katotohanan: ang Diyos na nagtatatag ng mga pinuno ay Siya ring nagtatanggal sa kanila sa puwesto, pinapanagot Niya ang mga tao, at nagdadala Siya ng hustisya at kapayapaan. Ginagawa Niya ang lahat ng ito ayon sa Kanyang kabutihan at planong pagtubos sa buong mundo. Ibinigay ng Diyos ang bayan ng Juda kay Nebucadnezar at sa imperyo ng Babilonia, ngunit sa huli, ang Babilonia ay tinalo ni Darius at ng imperyong Medo-Persia. Nangyari ito hindi lamang dahil sa politikal o militar na lakas. Ito ay dahil sa kapangyarihan at lakas ng Diyos.

Ito ang nakalulungkot na kuwento ng pagmamataas at paghatol sa hari, mas malungkot pa sa nakatala sa ika-apat na kabanata ng Daniel. Ngunit ito rin ay kuwento ng paraan ng pagtugon ni Daniel sa dakilang plano ng Diyos. Ito ang titingnan natin ngayon.

𝟭. 𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻—𝗶𝘁𝗼 𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗸𝗶𝗻𝗶𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶.
𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭. 𝘈𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢ʼ𝘺 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨, 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪, “𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘯𝘢 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘩𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘪𝘰 𝘯𝘢 𝘥𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘑𝘶𝘥𝘢. 𝘕𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘺𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘣𝘪𝘩𝘪𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘳𝘶𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟱:𝟭𝟯–𝟭𝟰

Ang mensahe na natanggap ng hari ay nagdulot sa kanya ng pagkabalisa. Dahil dito, naalala ng inang reyna si Daniel, ang taong naglingkod kay Nebucadnezar at sa kanilang kaharian. Pero sa anumang kadahilanan, si Daniel ay hindi na bahagi ng 𝘪𝘯𝘯𝘦𝘳 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 o grupo ng mga taong pinakamalapit sa hari. Maaari lamang nating hulaan kung ano ang nangyari at kung paano naging “𝘩𝘢𝘴 𝘣𝘦𝘦𝘯” o “laos” si Daniel. Subalit kahit nawala ang posisyon ni Daniel sa hukuman ng hari, binigyan pa rin siya ng Diyos ng pagkakataong maging matapat. Si Daniel ay tumanda na at naglingkod sa tatlong magkakasunod na mga hari. Ngunit bigla nila siyang naalala at pinatawag dahil sa krisis. Nanatili siyang matapat kahit sa gitna ng kadiliman. Sa Daniel 5:10–12, paano inilarawan ng reyna si Daniel? Gaano siya kasigurado na makakatulong si Daniel?

𝟮. 𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮—𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗺𝗮𝗻 𝗶𝘁𝗼 𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶.
𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭, “𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘏𝘢𝘳𝘪, 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘨𝘢𝘭𝘰; 𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘥𝘦𝘳 𝘢𝘵 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟱:𝟭𝟳

Kailangan ng hari ang tulong ni Daniel at ipinaliwanag ni Daniel ang kahulugan ng kanyang panaginip. Isipin mo na lamang na sasabihin mo sa hari na siya ay hindi nagpakumbaba at masyadong mapagmataas (Daniel 5:22-23). Maaaring ipakulong at ipapatay ng hari si Daniel. Pero ipinahayag pa rin niya ang katotohanan sa kabila ng dala nitong panganib sa kanyang buhay. Ginawa niya ito kahit hindi niya alam kung paano tutugon ang hari. Ipinapahayag natin ang katotohanan ng Diyos kahit pa maaaring tumanggi ang mga tao sa atin at sa Kanyang mensahe. Sa palagay mo, bakit hindi nauudyok ng mga regalo o gantimpala si Daniel?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Ano ang maaari mong matutunan sa buhay ni Daniel? Paano mo ito maisasapamuhay simula ngayon?
• Ihambing ang pagtugon ni Nebucadnezar (Daniel 4) at Belshazar (Daniel 5) sa pagsaway ng Diyos na ipinadala Niya sa pamamagitan ni Daniel. Ano ang mga naging epekto nito sa kanilang buhay at kaharian? Pag-isipan ngayong linggo ang panganib na dala ng pagmamataas at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pananagutan.
• Ano ang maaaring humahadlang sa pagpapahayag mo ng katotohanan ng Diyos? Paano mo ito mapagtatagumpayan at kanino mo maaaring ibahagi ang iyong pananampalataya ngayong linggo?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos dahil Siya ang namamahala sa buhay mo, sa iyong bansa, at sa mundo. Ideklara ang Kanyang kapangyarihan sa lahat.
• Ipanalangin na mananatili kang tapat sa Diyos at patuloy kang maglilingkod sa Kanya, kahit sa gitna ng kahirapan at kawalan ng katiyakan.
• Humingi sa Diyos ng tapang upang ipahayag ang Kanyang katotohanan sa mga tao sa paligid mo. Ipanalangin na sila ay tutugon sa katotohanan ng ebanghelyo nang may pagsisisi at pananampalataya.