𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Balikan ang isang mapanghamong sitwasyon na hindi mo malampasan. Ano ang ginawa mo para makapagpatuloy?
• May pagkakataon bang napagsabihan ka tungkol sa isang bagay na nasabi o nagawa mo? Ano ang naging reaksyon mo?
• Ano ang isang bagay na hindi mo mapigilang pag-usapan? Bakit ka naniniwala rito o bakit gustung-gusto mo ito?
𝗪𝗢𝗥𝗗
“𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯. 𝘈𝘵 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘑𝘦𝘳𝘶𝘴𝘢𝘭𝘦𝘮 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘑𝘶𝘥𝘦𝘢 𝘢𝘵 𝘚𝘢𝘮𝘢𝘳𝘪𝘢, 𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰.” 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟭:𝟴
𝘓𝘢𝘣𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘯𝘨𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘪𝘺𝘦𝘮𝘣𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘶𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘥𝘶𝘤𝘦𝘰. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘥𝘪𝘯𝘢𝘬𝘪𝘱 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘱𝘰𝘴𝘵𝘰𝘭 𝘢𝘵 𝘪𝘬𝘪𝘯𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨. 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟱:𝟭𝟳-𝟭𝟴
(Basahin din ang 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟱:𝟭𝟵-𝟯𝟮)
Pagkatapos puspusin at bigyan ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan ang mga apostol at disipulo, naipangaral ang ebanghelyo, naisagawa ang mga himala, at mabilis na lumago ang iglesya. Gayunpaman, hindi nawala ang mga oposisyon at pagsubok. Humarap ang mga apostol sa pag-uusig mula sa mga pinuno ng relihiyon noong panahong iyon at sila ay ipinakulong dahil sa pagkainggit ng mga ito. Ngunit hindi mapipigilan ang salita ng Diyos, kahit sa mga mahihirap na sitwasyon. Ngayon, tingnan natin kung paano binuksan ng mahimalang pamamagitan ng Diyos ang pinto para lumaganap ang ebanghelyo sa iba pang bahagi ng Jerusalem.
𝟭. 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗽𝗼𝘀𝘁𝗼𝗹 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗸𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗲𝗯𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹𝘆𝗼.
𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘣𝘪𝘩𝘢𝘯, 𝘣𝘪𝘯𝘶𝘬𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘵𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘴𝘪𝘭𝘢. 𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢, “𝘗𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘵𝘦𝘮𝘱𝘭𝘰 𝘢𝘵 𝘵𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴.” 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟱:𝟭𝟵-𝟮𝟬
Nang marinig ng punong pari na maraming taong may sakit ang napapagaling sa pangalan ni Jesus, napuno siya ng inggit at ipinadakip niya ang mga apostol. Tila wala nang pag-asa ang sitwasyong ito para sa mga mananampalataya. Ngunit ginamit ito ng Diyos sa Kanyang panig at nagpadala Siya ng isang anghel upang buksan ang mga pinto ng kulungan at palayain ang mga apostol. Ang himalang ito ay naging makapangyarihang patotoo para sa mga apostol at nagtulak sa kanila para ipagpatuloy ang pagpapahayag tungkol kay Jesus sa iba. Sa tingin mo, ano ang magiging reaksyon mo kung ikaw ay ipapakulong dahil naniwala ka kay Jesus? Paano naman kung nakaranas ka ng himala?
𝟮. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗽𝗼𝘀𝘁𝗼𝗹 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗺𝘂𝗹𝗶 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄.
𝘚𝘪𝘯𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭. 𝘗𝘢𝘨𝘴𝘪𝘬𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸, 𝘱𝘶𝘮𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘦𝘮𝘱𝘭𝘰 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘵𝘶𝘳𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰. . . . 𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪, 𝘮𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢, “𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘪𝘯𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘦𝘮𝘱𝘭𝘰 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘵𝘶𝘵𝘶𝘳𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰.” 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟱:𝟮𝟭, 𝟮𝟱
Nang atasan ng anghel ang mga apostol na mangaral tungkol kay Jesus sa templo, ito agad ang una nilang ginawa kinaumagahan. Kahit kakatapos lang nilang harapin ang pag-uusig at pagkakulong, pinalakas sila ng Panginoon upang agad nilang maipahayag muli ang Kanyang salita. Ito ang unang pagkakataong nakatala sa aklat ng Mga Gawa na nangaral ang mga apostol sa madla sa loob ng templo, dahil noong una, sa mga baitang ng templo at sa tahanan ng mga tao sila nangangaral. Ano ang sinasabi ng naging reaksyon ni Pedro sa Mga Gawa 5:29 tungkol sa awtoridad na kailangang panghawakan natin kapag tayo ay nalagay sa sitwasyong katulad ng hinarap ni Pedro?
𝟯. 𝗣𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗝𝗲𝗿𝘂𝘀𝗮𝗹𝗲𝗺 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗿𝗼 𝗮𝘁 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗺𝗶 𝗻𝗴 𝗵𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗶𝘀𝗶𝗽𝘂𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗝𝗲𝗿𝘂𝘀𝗮𝗹𝗲𝗺.
𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢-𝘑𝘦𝘳𝘶𝘴𝘢𝘭𝘦𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝟲:𝟳
Sa kabila ng naunang pangamba ng mga pari, hindi tumigil ang mga apostol sa pangangaral ng ebanghelyo. Sa malaking pagtitipon man sa templo o sa maliit na pagtitipon ng pamilya sa bahay, patuloy silang nagsama-sama at nagsalita tungkol sa nagliligtas na gawa ni Jesus. Lumago ang iglesya sa buong Jerusalem na kahit ang ibang pari ay sumampalataya sa Kanya. Mula sa pang-uusig sa mga apostol hanggang sa pagpapahayag ng ebanghelyo, sila rin ay naging saksi sa mga tao sa paligid nila. Ito ay katuparan ng pangako ni Jesus na ang Kanyang pangalan ay makikilala ng iba’t ibang uri ng tao. Sa tingin mo, bakit nagpatuloy ang sinaunang iglesya sa pangangaral ng ebanghelyo sa kabila ng mga panganib at pagsubok na kinaharap nila? Ano ang mga pagsubok na hinaharap natin bilang isang iglesya sa panahon ngayon at paano tayo matututo sa halimbawang ipinakita ng sinaunang iglesya?
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Pinalakas ni Jesus ang loob ng Kanyang mga disipulo upang sila’y maging matapang sa gitna ng mga paghihirap (Juan 16:33). Ano ang larawan ng pang-uusig sa iyong komunidad at mundo? Ano ang nagiging reaksyon mo dito?
• Ano ang mga posibleng pagsubok na kakaharapin natin sa pangangaral ng ebanghelyo? Sa tingin mo, paano malalampasan ang mga pagsubok na ito?
• Mayroon ka bang kapamilya o kaibigan na nagdududa sa ebanghelyo ngunit kailangang makarinig nito? Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang ikaw ay maging saksi Niya sa kanila ngayong linggo.
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos na hindi napipigilan ang pagpapahayag ng ebanghelyo hanggang sa kasalukuyang panahon, sa kabila ng mga pagsubok at pag-uusig na kinakaharap ng mga mananampalataya.
• Ipanalangin na patibayin ng Diyos ang iyong pananampalataya sa Kanya sa mga kanais-nais at mahihirap na sitwasyon. Ipanalangin na tulungan ka ng Diyos na mas lalo pang magtiwala sa Kanya at maniwala sa mas higit pang mga bagay.
• Humingi ng tapang mula sa Diyos upang maipangaral mo ang Kanyang salita sa mga tao sa paligid mo. Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng kakayahang maging saksi Niya sa pamamagitan ng iyong mga salita at kilos.