๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Ilarawan ang pinakakakaibang litrato o senaryo na nakita mo. Bakit ito nagmukhang kakaiba?
โข Nasubukan mo na bang gumamit ng filter sa pagkuha ng larawan? Ano ang naramdaman mo nang makita mo ang isang larawang hindi mo kamukha?ย
โข Magkwento tungkol sa isang bagay na nilikha mo (halimbawa: ipinintang larawan, isinulat na kwento, likhang sining). Ano ang naging inspirasyon mo para ilikha ito?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ด๐ฅ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข ๐ข๐ต ๐ญ๐ถ๐ฃ๐ฐ๐ด ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ. ๐๐ถ๐ฎ๐ช๐ฑ๐ข๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฃ๐ช ๐ข๐ต ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ข. ๐๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฌ๐ข๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ณ๐ข๐ธ.ย ย ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฏ๐ญ
Tuwing tinitingnan natin ang mundo sa ating paligid, ang nakikita natinโkasama na ang pagkawasak at kawalang-katarunganโay malayo sa kondisyong katangi-tangi. Ang ating buhay ay minarkahan ng kung paano tayo nakiki-angkop sa nagkasalang mundong ito. Ngunit ito ay hindi bahagi ng plano ng Diyos noong nilikha Niya ang buong sansinukob. Ano kaya ang nangyari? Ngayon, titingnan natin ang salita ng Diyos upang matuklasan ang plano Niya para sa atin at sa iba pang mga nilikha, at kung ano ang gumambala dito.
๐ญ. ๐ก๐ถ๐น๐ถ๐ธ๐ต๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ป๐๐ธ๐ผ๐ฏ.
๐๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ด๐ฅ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข ๐ข๐ต ๐ญ๐ถ๐ฃ๐ฐ๐ด ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ. ๐๐ถ๐ฎ๐ช๐ฑ๐ข๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฃ๐ช ๐ข๐ต ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ข. ๐๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฌ๐ข๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ณ๐ข๐ธ. ๐๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ญ๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ณ๐ข๐ธ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ๐ข ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฌ๐ข๐ฑ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ.ย ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฏ๐ญ - ๐ฎ:๐ฎ
(Aralin ang ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ.)
Sa simula, nilikha ng Diyos ang lahat mula sa kawalan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang salita. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng Kanyang salita nalikha ang mundo at ang lahat ng nandito. Siya rin ang nagdala ng kaayusan mula sa kaguluhan (Genesis 1:1โ2) at nagdisenyo ng natural na kaayusan ng mga bagay. Kaya naman ang Diyos ang tanging tunay na Lumikha. Hanggang ngayon, sinusuportahan at pinamamahalaan Niya ang buong nilikha para sa Kanyang kaluwalhatian at para sa ating kapakinabangan. Dahil sa kaalamang ito, ano ang dapat na saloobin natin? (Mateo 6:25โ26).
๐ฎ. ๐ก๐ถ๐น๐ถ๐ธ๐ต๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ ๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฎ๐ต๐ฒ.ย
๐๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด, ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, โ๐๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ด. ๐๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ณ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐บ๐ฐ๐ฑ: ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ฐ๐บ, ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ข๐ฅ, ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ฅ ๐ข๐ต ๐จ๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ.โ ๐๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ, ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ข๐ต ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ธ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ด ๐ฏ๐ช๐บ๐ข. ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฎ๐ฒ-๐ฎ๐ณ
(Aralin ang ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ญ:๐ฎ๐ดโ๐ฏ๐ฌ; ๐ฎ:๐ฐโ๐ต, ๐ญ๐ฑโ๐ฎ๐ฑ.)
Ginawa ng Diyos ang mga tao, lalaki at babae, ayon sa Kanyang โwangisโ o imahe. Tulad ng Diyos, mayroon tayong kakayahang mag-isip, makadama, makipag-usap, maging malikhain, at magkaroon ng ugnayan sa Kanya at sa iba. Ang pagiging nilikha sa Kanyang imahe ay nangangahulugang tinawag tayo ng Diyos upang maging mga katiwala at kinatawan Niya dito sa lupa, na sumasalamin sa Kanyang katangian, puso, at kalooban. Ipinapahiwatig din nito ang likas na halaga ng bawat tao. Anuman ang ating nakaraan o katayuan, ang ating buhay ay mahalaga sa Diyos. Mahal na mahal Niya tayo kaya ninanais Niya na magkaroon ng ugnayan sa atin at nagtakda Siya ng layunin para sa atin (Genesis 1:28). Sa palagay mo, paano nito mababago ang paraan ng pagtingin natin sa Diyos, sa ating sarili, at sa iba?
๐ฏ. ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฎ๐ต๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ฟ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐น๐ถ๐ธ๐ต๐ฎ.
๐๐ข๐จ๐ต๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, โ๐๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ฃ๐ช ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ถ๐ฃ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ข? ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฐ๐บ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ฏ๐ช๐ฏ?โ ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ฐ๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช, โ๐๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ฑ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ด๐ช ๐ฏ๐ข ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐จ๐บ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฐ๐บ ๐ฏ๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ฐ.โ ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ, โ๐๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ฎ๐ฐ ๐จ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ?โ ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐จ๐ฐ๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ, โ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ด๐ช ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฉ๐ข๐ด, ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฑ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ.โ ๐๐ข๐บ๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ด๐ข ๐ข๐ฉ๐ข๐ด, โ๐๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐จ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ถ๐ณ๐ถ๐ด๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ช๐ต๐ข. . . .โ ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ฏ:๐ญ๐ญ-๐ญ๐ฐ
(Aralin ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ฏ.)
Matapos likhain ang mundo, pinagpala ng Diyos ang lalaki at babae, at ibinigay Niya sa kanila ang pamamahala sa mga nilikha (Genesis 1:28). Binigyan din Niya sila ng isang utosโhuwag kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama (Genesis 2:17). Isang araw, nilinlang sila ng isang tusong ahas para mawalan ng tiwala at sumuway sa Diyos. Dahil dito, ang magandang disenyo ng Diyos ay nadungisan, ang Kanyang imahe sa sangkatauhan ay nabaluktot ng kasalanan, at ang ating ugnayan sa Diyos, sa isaโt isa, at sa Kanyang nilikha ay nasira. Higit pa rito, ang iba pang nilikha ay napinsala at napasailalim sa kamatayan at pagkabulok. Ano ang sinasabi ng Mga Taga-Roma 8:20โ24 tungkol sa kalagayan ng sangkatauhan at ng buong nilikha?
Ano ang magandang balita? Hindi tayo iniwan ng Diyos sa ating makasalanang kalagayan. Kahit sa gitna ng ating pagkakasala, may plano na ang Diyos na tubusin ang sangkatauhan (Genesis 3:14โ15). Natupad ito nang ipadala ng Diyos ang Kanyang Anak, si Jesu-Cristo, upang isaayos ang Kanyang larawan sa atin at ang ating kaugnayan sa Kanya. Ang sagot natin dito ay pananampalataya sa Kanyang tinapos na gawain.
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Dahil alam mo na ikaw ay ginawa ayon sa imahe ng Diyos, ano ang sinasabi nito tungkol sa iyong pagkakakilanlan na ibinigay ng Diyos? Sa palagay mo, paano ito dapat makaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
โข Sa anong mga paraan mo nakikita ang pagkasira at kawalan ng katarungan sa paligid mo? Paano ka makakapagdala ng pag-asa at magiging katiwala ng nilikha ng Diyos?
โข Sino sa palagay mo ang kailangang makarinig ng mensaheng ito tungkol sa kasalanan at kaligtasan? Paano mo ito maibabahagi sa kanya ngayong linggo?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Sa mundong inaayon ang pagkakakilanlan sa ibaโt ibang lugar at tao, ipanalangin na ang pagkakakilanlan mo ay manatiling nakaayon sa Diyos lamang.
โข Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng biyaya upang makilahok sa Kanyang misyon na ibalik ang buong nilikha, ang mga tao, at mga ugnayan, sa ilalim ng liwanag ng pagiging nilikha ayon sa Kanyang imahe.
โข Ipagdasal na ang lahat ng mga ginagawa mo para sa iba ay manggaling sa pagmamahal, at maging daan para sila ay magkaroon ng ugnayan sa Diyos.