๐ช๐๐ฅ๐ ๐จ๐ฃ
โข Balikan ang isang hindi mo malilimutang karanasan kasama ang iyong mga kaibigan. Ibahagi ito sa amin.
โข Sinu-sino ang mga kaibigang nakakausap mo tungkol sa mga bagay na mahirap pag-usapan? Bakit komportable kang makipag-usap sa kanila?
โข Nakipagtalo ka na ba sa mga malalapit mong kaibigan? Kung ganoon, itinuturing mo pa rin ba silang malalapit na kaibigan? Bakit oo o bakit hindi?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ข๐บ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ-๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. โ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ช๐ฅ ๐ฎ๐ฐ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข. ๐๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ด๐ช ๐ด๐ช๐บ๐ข, ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ. ๐๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ฑ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ด ๐ฑ๐ข ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฑ๐ฐ๐ฏ, ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ด ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฅ ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ.โ ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด๐ต๐ฐ๐ญ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, โ๐๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ฐ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ.โย ย ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ญ๐ณ:๐ฏ-๐ฑ
(Basahin din angย ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ญ๐ณ:๐ญโ๐ฎ, ๐ฒ.)
Ang pagdidisipulo ay isang paglalakbay na dapat ay kabahagi ang iba. Ibinubukod tayo ng Diyos sa isang komunidad, ngunit magulo talaga ang mga ugnayan. Dahil sa ibaโt iba nating pinanggalingan, personalidad, at mga hilig, mahirap para sa atin ang maglakbay kasama ang iba kahit pa naglalakbay tayo nang sumusunod kay Jesus. Parang mas madali pa na maglakbay sa buhay nang mag-isa, ngunit hindi tayo dinesenyo ng Diyos na maging ganito. Kailangan natin ang isaโt isa upang mabuhay at umunlad sa ating buhay at sa kung saan tayo tinawag ng Diyos. Dahil dito, paano ba tayo mamumuhay bilang isang komunidad? Habang sumusunod ang mga disipulo kay Jesus, ang kanilang mga pagkakaiba at ang maraming hinarap na balakid ay naging isang hamon. Ngayong araw, tingnan natin ang isa sa mga aral na itinuro ni Jesus sa kanila tungkol sa kung paano sila dapat mamuhay nang magkakasama.
๐ญ. ๐ฆ๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎโ๐ ๐ถ๐๐ฎ.
๐๐ข๐บ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ-๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. โ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ช๐ฅ ๐ฎ๐ฐ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข. ๐๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ด๐ช ๐ด๐ช๐บ๐ข, ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ.โ ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ญ๐ณ:๐ฏ
Habang sumusunod tayo kay Jesus, makikipaglaban pa rin tayo sa kasalanan at sa mga hamon ng buhay at ganun din ang mga taong kasama natin sa paglalakbay. Dahil pinapahalagahan natin ang bawat isa, huwag nating hayaan na magkasala tayo o mapunta sa maling direksyon. Hinikayat ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na ingatan ang isaโt isaโna alagaan ang bawaโt isa at bantayan ang isaโt isa nang may pagmamahal. Hinihikayat tayo na pagsabihan ang isaโt isa upang mapigilan ang pag-usad ng kasalanan. Bilang isang komunidad na ibinukod ng Diyos, ito ang ating tungkulin at pangako. Ibig sabihin din nito na hindi tayo dapat maging sagabal sa isaโt isa. Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol dito sa Lucas 17:1โ2?
๐ฎ. ๐ฆ๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ.
๐๐ข๐บ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ-๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. โ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ช๐ฅ ๐ฎ๐ฐ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข. ๐๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ด๐ช ๐ด๐ช๐บ๐ข, ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ.โ ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ญ๐ณ:๐ฏ
Tuwing nangyayari ang pagkakasala, ang gusto natin ay maibalik sa Diyos ang mga kasama sa ating komunidad. Dito pumapasok ang pagwawasto at pagsasaway. Ginagawa natin ito hindi dahil sa gusto nating maramdaman na mas nakakahigit tayo o mas matuwid kaysa sa ibang kasama natin sa ating espirituwal na komunidad, kundi dahil gusto nating gabayan sila pabalik kay Jesus. Hinikayat ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na pagsabihan ang isang kapatid na nagkasala at patawarin siya kapag siya ay nagsisi. Bilang isang mapagmahal at ibinukod na komunidad, kailangan ay malaya nating naitatama ang isaโt isa kapag tayo ay nagkakasala at naibibigay ang kapatawaran, na naghahatid ng kabutihan ng Diyos sa bawaโt isa. Ang layunin ay maibalik ang tao kay Cristo, hindi ang hatulan siya. Paano mo ito naranasan sa iyong komunidad?
๐ฏ. ๐ฆ๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป.
โ๐๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ฑ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ด ๐ฑ๐ข ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฑ๐ฐ๐ฏ, ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ด ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฅ ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ.โย ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ญ๐ณ:๐ฐ
Maaaring nalito o nabigo ang mga disipulo noong narinig nila ang mga salita ni Jesus. โBakit ko ba kailangang patawarin ang taong ginawan ako ng mali? At pitong beses pa!โ ang marahil ay nasa isip nila. Ang pamumuhay kasama ang iba ay magiging mahirap kaya ngaโt higit na kailangan ang pagmamahal at pagpapatawad, kahit na gawin pa natin ito nang paulit-ulit. Bilang isang komunidad na ibinukod ng Diyos, magkakasama Niya tayong tinawag para sa layuning ito. Ibig sabihin, ang mga taong inilagay Niya sa paligid natin ay hindi opsyonal kundi mga ugnayang mula sa Kanya. Kung dapat tayong lumago sa ating komunidad, dapat ay unahin natin ang pagpapanumbalik sa bawat isa, ang pagpapatawad sa isaโt isa, ang pagbitiw sa mga sakit at pasakit, ang mapagpakumbabang pagtanggap ng pagwawasto, at ang paghahangad na magkaayos kung kinakailangan. Ano ang itinuturo sa atin ng Colosas 3:13 tungkol sa kung paano tayo dapat magpatawad?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Sino ang pinapayagan mong magsalita sa buhay mo? Ano ang mga maagap na paraan ng pag-iingat sa isaโt isa ang pwede mong gawin sa iyong komunidad?
โข Kanino ka nakapagsasalita nang may pagmamahal? Sa anong paraan mo mapapalago ang iyong pananampalataya habang inaalagaan mo ang iyong mga maka-Diyos na ugnayan?
โข Ngayong linggo, mapagpakumbaba kang humingi ng patawad mula sa isang taong nasaktan o nagawan mo ng pagkakamali. Anong mga hakbang ang pwede mong tahakin upang mahanap ang pagkakaayos ng inyong ugnayan?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa paglalagay Niya sa iyo sa isang mapagmahal at lumalagong komunidad. Pagpalain ang mga nakapaligid saโyo at hikayatin ninyo ang isaโt isa na ipaglaban ang inyong komunidad at ang inyong ugnayan sa Diyos.
โข Humiling sa Diyos ng pang-unawa o pagiging sensitibo upang malaman mo kung may nagawan ka ba ng mali sa iyong komunidad. Ipanalangin na makaranas ng kagalingan ang taong iyon at hingin mo ang kanyang kapatawaran.
โข Ipanalangin ang taong maaaring nakapanakit saโyo. Hilingin sa Diyos ang kakayahang maiwasto ang taong ito at ang pagiging mapagpakumbaba para mapatawad mo siya.