𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Balikan ang isang mapanganib na karanasang naranasan mo. Ano ang panganib na hinarap mo at paano ka nakaligtas?
• Mahilig ka bang gumawa ng mga plano at sinisiguro mo bang masusunod ito? Balikan ang isang pagkakataong nagpapakita nito.
• Sino ang pinakamapagbigay na taong kilala mo? Ano na ang nagawa niya para sayo?
𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘗𝘶𝘳𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘈𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘑𝘦𝘴𝘶-𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰! 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘸𝘢𝘭 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵. 𝘉𝘢𝘨𝘰 𝘱𝘢 𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘩𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 . . . 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗘𝗙𝗘𝗦𝗢 𝟭:𝟯–𝟰
(Basahin din ang 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗘𝗙𝗘𝗦𝗢 𝟭:𝟱–𝟭𝟬.)
Ang lahat ng tao ay makasalanan at nagkakamali kaya’t karapat-dapat na mabuhay nang malayo sa Diyos at mamatay. Kahit gaano pa natin isipin na mabuting tao tayo, hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili. Ito ang masamang balita na hinaharap nating lahat.
Ngunit may mabuting balita dahil kay Jesus. Ito ang ebanghelyo. Dahil sa biyaya, habag at pagmamahal ng Diyos, inaalok Niya sa atin ang kaligtasan at 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘸𝘢𝘭 na mula kay Jesus. Ngayong araw, aralin natin kung ano ba ang tunay na mensahe ng ebanghelyo at palalimin ang pagkaunawa natin sa kaligtasan na mayroon tayo kay Jesus.
𝟭. 𝗠𝗮𝘆 𝗽𝗹𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗯𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝗶𝗸𝗵𝗮𝗮𝗻.
. . . 𝘉𝘢𝘨𝘰 𝘱𝘢 𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘭𝘪𝘬𝘩𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 . . . 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗘𝗙𝗘𝗦𝗢 𝟭:𝟰
Bago pa man Niya 𝘭𝘪𝘬𝘩𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, nais na ng Diyos na tayo ay 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯. Hindi nagpasya ang Diyos na tubusin tayo pagkatapos lamang magkasala nina Adan at Eva. Ang kaligtasan natin ay hindi lang Niya biglang naisip. Nag-uumapaw ang pagmamahal ng Diyos sa atin kaya gumawa Siya ng plano para sa ating kaligtasan bago pa man Niya likhain ang mundo sa Genesis 1. Agad-agad Niya itong ipinatupad matapos magkasala nina Adan at Eva. Paano pinatunayan ng planong pagtubos ng Diyos ang pagmamahal Niya sa iyo at sa mundo? Paano ito dapat makaapekto sa pamumuhay natin?
𝟮. 𝗠𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗮𝗸.
𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘨𝘰 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘵𝘪𝘯𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘵𝘢𝘺𝘰, 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘕𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘺𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. . . . 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗘𝗙𝗘𝗦𝗢 𝟭:𝟳
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo para mamatay sa krus at pagbayaran ang kabayarang tayo dapat ang magbabayad. Ito ang nasa sentro ng plano ng Diyos na iligtas tayo mula sa ating kasalanan at kahihiyan. Sa madaling salita, ang ebanghelyo ang mabuting balita na ang Diyos ay nagkatawang tao kay Jesu-Cristo. Ipinamuhay Niya kung paano dapat tayo mamuhay at ikinamatay Niya ang kamatayang para sana sa atin. Nabuhay Siyang muli sa ikatlong araw, na nagpapatunay na Siya ang Anak ng Diyos. Kailan at paano mo narinig ang ebanghelyo? Paano ka tumugon sa nag-uumapaw na biyaya ng Diyos?
𝟯. 𝗧𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝘀 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗻𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻.
𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘨𝘰 𝘯𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰, 𝘵𝘪𝘯𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘵𝘢𝘺𝘰, 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘕𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘺𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. . . . 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗘𝗙𝗘𝗦𝗢 𝟭:𝟳
Ang kabutihang ipinakita ng Diyos sa pagligtas sa atin ay nagbigay sa atin ng kaligtasan at kapatawaran ng mga kasalanan. Ibinibigay ni Jesus ang kaligtasan at kapatawaran ng mga kasalanan bilang regalo sa sinumang magsisi at maniwala sa Kanya. Kapag tayo ay nakaranas na ng pagbabago ng puso at inilagay natin ang ating pananampalataya sa ginawa ni Jesu-Cristo para sa atin, hindi na natin kailangang bayaran ang ating mga kasalanan at hindi na natin kailangang mamuhay sa kasalanan. Tayo ay pinatawad na, muling nabuo, at tinubos para sa layunin ng Diyos. Ano ang kahalagahan ng pagbabahagi sa ibang tao ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo? Bakit hindi natin ito dapat na itago para sa sarili lang natin?
Kasama sa plano ng Diyos na iligtas at tubusin tayo ang bigyan tayo ng mga pagpapala. Dahil sa sakripisyo ni Jesus sa krus at sa pagmamahal ng Diyos sa atin, tayo ay nabigyan ng mga 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘸𝘢𝘭 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵. Isinulat ni Pablo na kabilang dito ang pagiging banal at pagkakabukod para sa Kanya, ang pagiging mga anak sa pamamagitan ni Jesus at marami pa (Mga Taga-Efeso 1:4–14). Ang pangako at pagpapalang ito ay dapat na magkaroon ng epekto sa pamumuhay natin. Natatamo natin ang mga biyayang ito hindi dahil sa anumang ginawa natin, kundi dahil sa kung sino ang Diyos at kung gaano Siya kabuti sa atin.
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Anong klaseng buhay ang mayroon ka bago ka nagkaroon ng relasyon kay Jesus? Balikan kung paano mo narinig at kung paano ka tumugon sa ebanghelyo?
• Anong klaseng buhay ang maaari tayong magkaroon kay Jesus? Maglaan ng oras ngayong linggo para pag-isipan ang sinasabi sa Mga Taga-Efeso 1:3–4. Hilingin sa Diyos na ipaunawa sa iyo ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘸𝘢𝘭 kay Jesus.
• Ano sa tingin mo ang nararapat na tugon sa ebanghelyo? Sa palagay mo, paano ka dapat mamuhay at paano mo maibabahagi sa iba ang magandang balita?
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos sa pagpapadala kay Jesus upang mamatay para sa atin. Magpasalamat sa Diyos dahil sa kanyang planong pagtubos sa atin, sa sakripisyo ni Jesus, at sa ating kaligtasan.
• Manalangin at hilingin na tulungan ka ng Diyos na maging bahagi ng Kanyang plano na iligtas ang mga wala pang ugnayan sa Kanya. Ipanalangin na buong tapang mong maibahagi ang mabuting balita ng Diyos.
• Ipanalangin na malaman at maranasan ng mga kamag-anak at kaibigan mo ang pagmamahal, habag at biyaya ng Diyos.