icon__search

Ang Salita na Pagkain ng Ating Espiritu

Week 3

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Ano ang paborito mong pagkain? Bakit ka nasisiyahang kainin ito?
• Ano ang isang pagkain na hindi mo magagawang kainin nang walang kanin o tinapay?
• Magkuwento tungkol sa nakaugalian mo nang gawin sa araw-araw at sa bahaging pinakanagbibigay sa iyo ng kasiyahan o ginhawa.


𝗪𝗢𝗥𝗗
“𝘈𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 ‘𝘮𝘢𝘯𝘯𝘢’ 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘶𝘯𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵
𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟲:𝟱𝟴

(Basahin din ang 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟲:𝟱𝟳–𝟲𝟵.)

Noong panahon ni Moises, nagbigay ang Diyos sa mga Israelita ng 𝘮𝘢𝘯𝘯𝘢, o pagkaing mala-tinapay na mula sa langit. Ang pagkaing ito ang araw-araw na bumuhay sa kanila sa disyerto. Pinupulot nila ang 𝘮𝘢𝘯𝘯𝘢 at niluluto nila ito para maging tinapay (Mga Bilang 11:7–8). Maaari silang kumuha ng kahit gaano kadami sa umaga, ngunit hindi nila ito maaaring itabi hanggang sa susunod na araw dahil nabubulok at bumabaho ito. Ang lahat ay may sapat na mana para sa bawat araw. Ito ay isang pagsasalarawan ng tinapay na ibinibigay ni Jesus. Ang pagkaing kinakain natin ay mula sa lupa at panandalian lamang, ngunit ang ibinibigay na tinapay ni Jesus ay mula sa langit at panghabambuhay. Sa araw na ito, titingnan natin kung paano tayo napapanatili ni Jesus sa kasalukuyan nating buhay at titingnan din natin ang paparating nating buhay.


𝟭. 𝗦𝗶 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆.
“𝘈𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 ‘𝘮𝘢𝘯𝘯𝘢’ 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘶𝘯𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘮𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟲:𝟱𝟴

Ang pisikal na pagkaing kinakain natin ay nagbibigay kalakasan sa ating katawan, at dahil dito, nawawala ang ating gutom. Bahagi ito ng likas na daloy ng buhay at mahalaga ito upang tayo ay mabuhay. Subalit tulad ng pagkain na mula sa mundo at panandalian lamang, ang katawan natin ay may hangganan din. Ang mabuting balita ay si Jesus Mismo ang tinapay ng buhay na 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺-𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰 (Juan 6:33). Siya ang tagapagbigay ng buhay na magpapanatili ng ating buhay hanggang sa walang hanggan at hindi panandalian lamang. Bagama’t mahalaga para sa atin ang magkaroon ng pisikal na kalakasan, ang ating espirituwal na kalakasan ang pinakamahalaga. Inihahandog sa atin ni Jesus ang tinapay na higit pa sa 𝘮𝘢𝘯𝘯𝘢 na natanggap ng mga Israelita. Paano ka pinalakas ng salita ng Diyos at paano nito binago ang paraan mo ng pamumuhay?

𝟮. 𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀.
“𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘮𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘮𝘪𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘵 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘩𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟲:𝟰𝟬

Ang pagtanggap ng tinapay ay pagtitiwala kay Jesus at sa Kanyang ginagawang pagtubos. Nangangahulugan din ito ng pagkakaroon ng ugnayan sa Kanya. Sa patuloy nating pagtanggap sa Kanyang salita na nagbibigay sa atin ng buhay, natututunan nating mas naisin ito at talikuran ang mga bagay na nakakasama sa ating mga espiritu. Ang kagustuhan ng Ama ay makaranas ang sinumang naniniwala kay Jesus ng buhay na ganap at walang hanggan. Paano mo natutunang manampalataya kay Jesu-Cristo.

𝟯. 𝗔𝗿𝗮𝘄-𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗦𝗶𝘆𝗮.
𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘯𝘨 12 𝘢𝘱𝘰𝘴𝘵𝘰𝘭, “𝘒𝘢𝘺𝘰 𝘣𝘢, 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘴?” 𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘚𝘪𝘮𝘰𝘯 𝘗𝘦𝘥𝘳𝘰, “𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘰 𝘱𝘢 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢? 𝘒𝘢𝘺𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘦𝘯𝘴𝘢𝘩𝘦𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯. 𝘚𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘴𝘶𝘨𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟲:𝟲𝟳–𝟲𝟵

Nang magsalita si Jesus tungkol sa pagiging tinapay ng buhay, maraming tao ang hindi tumanggap sa Kanyang salita. Dahil ito ay isang mahirap na katuruan, tinalikuran nila Siya. Subalit nagpasya ang mga disipulo na manatili dahil kilala nila si Jesus at personal ang naging ugnayan nila sa Kanya. Tulad nito, pinagpapasyahan nating tumanggap ng Kanyang salita at makaranas ng buhay na ibinibigay Niya. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos, pagbabasa ng Kanyang salita, at pakikibahagi ng buhay natin sa iba pang mananampalataya, lumalago tayo sa pananampalataya at nagkakaroon ng mas maigting na kagustuhang sumunod sa Kanya. Ano ang mga nakaugalian o nakasanayan mong gawin na nakakatulong sa iyo upang maranasan mo ang presensya ng Diyos araw-araw?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Ano ang madalas mong inaasahan upang mabigyan mo ng kalakasan ang iyong sarili? Ano ang isang bagay na sisimulan mong ibahin simula ngayon upang sa halip ay makatanggap ka ng salita ng Diyos?
• Ano ang ibig sabihin ng pagsunod kay Jesus araw-araw? Sa palagay mo, paano ka tutugon kung nakarinig ka ng mahirap na katuruan mula kay Jesus at tinanong ka Niya kung gusto mo na rin bang umalis? Maglaan ng oras ngayong linggo upang pag-isipan ang naging tugon ni Pedro sa katanungan ni Jesus.
• Sinasadya mo bang maglaan ng oras upang makapiling ang Diyos araw-araw? Sa palagay mo, paano nito maaapektuhan ang iba pang bahagi ng buhay mo, kabilang na ang iyong ugnayan sa ibang tao?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos dahil Siya ang tunay na tinapay ng buhay na bumubuhay sa ating espiritu. Pasalamatan Siya dahil maaari nating matanggap ang Kanyang salita araw-araw.
• Hingin sa Diyos na muling palakasin ang pagnanais mo na makatanggap ng Kanyang salita araw-araw. Hingin sa Kanya ang mas malalim na pagkaunawa ng Kanyang katangian at pamamaraan.
• Ipanalangin ang isang tao na nahihirapang mamuhay para kay Cristo. Hilingin sa Diyos na gawin kang daluyan ng Kanyang pagmamahal para sa taong ito at magawa mong ituro sa kanya ang daan pabalik kay Cristo.