icon__search

Pagtitiwala sa Diyos Kahit pa Hindi Karaniwan ang Pagsasalita Ayon sa Iyong Paninindigan

Week 2

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Magbahagi ng isang pagkakataong nagsalita ka upang wakasan ang kawalan ng katarungan. Ano ang nangyari?
• Mayroon na bang nagpakita ng kasiyahan sa iyo dahil ginawa mo kung ano ang tama? Ikwento ito sa amin.
• Balikan ang isang pagkakataong pinagsisihan mo ang hindi pagsasalita para sa isang tao. Ano ang nangyari?


𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢, “𝘗𝘶𝘳𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯. 𝘚𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯. 𝘚𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯. 𝘚𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘺𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘰𝘯𝘰. 𝘚𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘶𝘯𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘳𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨. 𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘩𝘪𝘸𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘪𝘯𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘩𝘪𝘯. 𝘕𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘥𝘪𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟮:𝟮𝟬–𝟮𝟮

(Basahin din ang 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟮:𝟭–𝟭𝟵, 𝟮𝟯–𝟰𝟵.)

Noong si Daniel at ang kanyang tatlong mga kaibigan ay dumaraan pa sa pagsasanay upang maging bahagi ng mga taong naglilingkod sa hari at reyna sa kaharian ng Babilonia, si Haring Nebucadnezar ay nanaginip ngunit hindi niya ito maalala. Ipinatawag niya ang mga marurunong, salamangkero, at engkantador upang sabihin sa kanya kung ano ang napanaginipan niya at ang kahulugan nito. Dahil walang makagawa ng ipinapagawa niya sa kanila, iniutos ng hari na ipapatay ang lahat ng mga marurunong sa kaharian. Sa kuwentong ito, makikita natin kung paano tumugon si Daniel at ang kanyang mga kaibigan sa utos na ito ng hari.

𝟭. 𝗦𝗶 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝗺𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗵𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗿𝗶.
𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘬𝘢𝘺 𝘈𝘳𝘪𝘰𝘤 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘳𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘣𝘪𝘭𝘰𝘯𝘪𝘢. 𝘔𝘢𝘪𝘯𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘣𝘪𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘪 𝘈𝘳𝘪𝘰𝘤 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪. 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘴𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱 𝘯𝘪𝘵𝘰. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟮:𝟭𝟰–𝟭𝟲

Si Haring Nebucadnezar ay may panaginip at nais niyang may magsabi sa kanya kung ano ang panaginip na ito at ipaliwanag din kung ano ang kahulugan nito. Nang walang makagawa nito, iniutos niya na ipapatay ang mga marurunong na mga kalalakihan sa Babilonia. Hindi alam ni Daniel kung ano ang panaginip na ito o maging ang kahulugan nito. Ngunit kilala niya ang kanyang Diyos at Siya ay higit na dakila kaysa kay Nebucadnezar. Nang marinig niya ang ipinag-utos ng hari, hindi nataranta o nagtago si Daniel. Buong tapang siyang humingi ng pagkakataon na maka-usap ang hari. Pagkatapos, umuwi siya upang manalangin kasama ang kanyang mga kaibigan. Ipinanalangin nila na ipakita sa kanila ng Diyos kung ano ang panaginip ng hari. Bagama’t ang mga pagsubok na kinakaharap natin ay tila imposible para sa atin, ang Diyos ay laging kasama ng Kanyang mga mamamayan at Siya ang babago ng kanilang mga sitwasyon para sa Kanyang karangalan. Balikan ang isang pagkakaaon na may hinarap kang isang imposibleng sitwasyon, at nagtiwala ka sa Diyos sa halip na mataranta.

𝟮. 𝗦𝗶 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗱𝘂𝗺𝘂𝗹𝗼𝗴 𝗺𝘂𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮.
𝘗𝘶𝘮𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪, 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘶𝘮𝘶𝘸𝘪 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢 𝘏𝘢𝘯𝘢𝘯𝘪𝘢, 𝘔𝘪𝘴𝘩𝘢𝘦𝘭 𝘢𝘵 𝘈𝘻𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪. 𝘏𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪, 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘳𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘣𝘪𝘭𝘰𝘯𝘪𝘢. 𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯, 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘬𝘢𝘺 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱 𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘶𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘢𝘪𝘯. 𝘈𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘶𝘳𝘪 𝘯𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟮:𝟭𝟳–𝟭𝟵

Dahil sa kahilingan ni Daniel na makipagkita sa hari, nagkaroon siya ng pagkakataong makipag-kita kina Hanania, Mishael, at Azaria upang manalangin. Alam nila na kung sa kanilang sarili lamang, hindi sila magtatagumpay at tiyak na mahaharap sila sa kamatayan. Nang ipahayag ng Diyos kay Daniel ang Kanyang kasagutan sa pamamagitan ng isang pangitain, ang una niyang naging tugon ay ang papurihan ang Diyos. Ano ang naging sagot ni Daniel matapos ipaalam sa kanya ng Diyos ang misteryosong panaginip (Daniel 2:20–23)?

𝟯. 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗻𝗶 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗿𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
𝘚𝘶𝘮𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘴𝘪 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭, “𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘏𝘢𝘳𝘪, 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘬𝘶𝘬𝘶𝘭𝘢𝘮, 𝘦𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯𝘵𝘢𝘥𝘰𝘳, 𝘰 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘩𝘶𝘩𝘶𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘺 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘸𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺. 𝘈𝘵 𝘪𝘯𝘪𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱. 𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱. 𝗗𝗔𝗡𝗜𝗘𝗟 𝟮:𝟮𝟳–𝟮𝟴

Nang dumating ang takdang oras upang humarap si Daniel sa hari, ipinaalam niya sa lahat na walang marunong na tao, maging siya o sinuman, ang makakaalam ng kahulugan ng panaginip. Sa isang banda, pareho lamang ang kinatatayuan ni Daniel at ng iba pa. Ang naging kaibahan lamang ay naging mabilis siya sa pagkilala na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at kaalaman. Ipinakilala niya sa hari ang Diyos na nagpapahayag ng lahat ng bagay. Sa ibinigay ni Daniel na interpretasyon, makikita ang nagbabadyang kaharian ng Diyos na hindi kailanman mawawasak at laging magtatagumpay laban sa anumang kaharian. Dahil naparangalan ang Diyos sa pamamagitan ni Daniel, ang puso ng hari ay bumaling sa Diyos at agad-agad niyang inilagay si Daniel at ang kanyang mga kaibigan sa matataas na posisyon sa pamahalaan (Daniel 2:47–48). Ikuwento ang isang pagkakataon kung saan natulungan mo ang isang taong may mahirap na pinagdaraanan upang makita niya ang Diyos. Ano ang nangyari?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Sa isang sitwasyong katulad ng kay Daniel, ano sa palagay mo ang magbibigay sa iyo ng lakas ng loob na magsalita? May kinakaharap ka bang kaparehong sitwasyon ngayon?
• Mayroon bang isyu o sitwasyon na pakiramdam mo ay kailangan mong gawin ang isang bagay kahit pa hindi ito ang popular or karaniwang ginagawa ng iba dahil alam mong ito ang tamang gawin? Anong kaalaman mula sa ikalawang kabanata ng Daniel ang maaaring makatulong sa iyo?
• May ipinapanalangin ka ba sa Diyos na taong alam mong kailangang magkaroon ng pagbabago ng puso upang makilala niya ang Diyos bilang Panginoon at Tagapagligtas? Gaano kahalaga ang karunungan nagmumula sa Diyos sa sitwasyong ito?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos sa karunungang ibinibigay Niya para sa ating kalayaan, pagbabago ng puso, at tagumpay.
• Ipanalangin na ipakita sa iyo ng Diyos ang Kanyang mga plano at ibigay sa iyo ang mga salitang sasabihin mo sa mga pagkakataong kailangan mong magsalita.
• Hingin ang mga tamang salitang masasabi mo tuwing magbabahagi ka sa iyong pamilya at mga kaibigan ng mga bagay na tungkol sa Diyos at sa ebanghelyo.