𝗪𝗔𝗥𝗠 𝗨𝗣
• Sumubok ka na ba o ang iyong kaanak na mamuhunan sa mga stock, mga ari-arian, o iba pang uri ng investment? Ano ang naging kinalabasan nito?
• Nawalan ka na ba ng malaking halaga ng pera o pag-aari? Ikwento ang nangyari.
• Kung ikaw ay nanakawan ng iyong mga pag-aari o pera ngayong araw, paano ka tutugon?
𝗪𝗢𝗥𝗗
“𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘪𝘱𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘯𝘴𝘦𝘬𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘴𝘪𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰. 𝘚𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘱, 𝘮𝘢𝘨-𝘪𝘱𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘴𝘦𝘬𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘳𝘢, 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸. 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰.” 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟲:𝟭𝟵–𝟮𝟭
“𝘋𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘶𝘬𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘱𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘬𝘪𝘥 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘰𝘯. 𝘋𝘢𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘱𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘪𝘨𝘰, 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘶𝘣𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘴, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘢𝘺𝘰𝘱 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘱𝘪𝘭𝘪𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘋𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘢𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘦𝘯𝘴𝘺𝘢. 𝘎𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴.” 𝗗𝗘𝗨𝗧𝗘𝗥𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗢 𝟭𝟰:𝟮𝟮–𝟮𝟯
Madali lang na iasa ang seguridad natin sa mga bagay ng mundo. Ngunit lahat ng pinanghahawakan natin dito sa lupa ay maglalaho lang din o hindi mananatili. Biniyayaan man tayo ng malaki o maliit, lahat ng iniisip natin na ating pagmamay-ari ay hindi para sa atin upang panghawakan. Sa halip na mag-ipon tayo ng yaman para sa sarili, tinatawag tayo na mamuhunan para sa mga bagay na dadaig pa sa tagal ng ating buhay. Kailangan nating ituon ang ating mga puso sa Diyos at sa Kanyang kaharian. Ngayong araw sa pamamagitan ng ating pagbibigay, tingnan natin kung paano natin mailalaan ang ating mga puso para sa Diyos.
𝟭. 𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘂𝗵𝘂𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗵𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
“𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘪𝘱𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘯𝘴𝘦𝘬𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘴𝘪𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰. 𝘚𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘱, 𝘮𝘢𝘨-𝘪𝘱𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘴𝘦𝘬𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘳𝘢, 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸.” 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟲:𝟭𝟵–𝟮𝟬
Ang ating pananalapi at mga pinagkukunan ay mga kasangkapan na magagamit natin upang isulong ang kaharian ng Diyos. Hindi lamang ito upang ipunin kundi para ibahagi sa paraan na makakapagbigay-karangalan sa Diyos. Magagamit natin ito, halimbawa, sa paggawa ng kabutihan sa iba o sa pag-ugnay ng mga tao sa simbahan at sa pagpapadala ng mga misyonero. Ang pamumuhunan para tumulong sa kapwa na mahanap at sumunod kay Jesus ay namumunga at nakakapagbigay ng pinakamalaking balik sa puhunan. Dahil sa dinudulot nito sa panlabas ay pinakakapakipakinabang na pamumuhunan para sa atin ang pagbibigay sa kaharian ng Diyos. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung lahat tayo ay pipiliin ang kaharian ng Diyos kaysa sa mundo at sa ating kapakanan?
𝟮. 𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗵𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗱𝘂𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗵𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻.
“𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰.” 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟲:𝟮𝟭
“𝘋𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘶𝘬𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘱𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘬𝘪𝘥 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘰𝘯. 𝘋𝘢𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘱𝘶𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘪𝘨𝘰, 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘶𝘣𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘴, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘢𝘺𝘰𝘱 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘱𝘪𝘭𝘪𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘋𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘢𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘦𝘯𝘴𝘺𝘢. 𝘎𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴.” 𝗗𝗘𝗨𝗧𝗘𝗥𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗢 𝟭𝟰:𝟮𝟮–𝟮𝟯
Nagbabago ang ating mga puso kapag tayo ay nagbibigay. Kapag inilalaan natin ang ating pananalapi para sa Diyos at sa Kanyang kaharian, natututo tayong katakutan at mahalin ang Diyos na siyang pinanggagalingan ng lahat na mayroon tayo. Ang ating mga puso at isipan ay nakatutok sa Kanya at nagdudulot ng malalim na katapatan, paggalang, at pagrespeto sa Kanya. Ang pagbibigay ay isang espirituwal na disiplina na nagpapalapit sa atin sa Diyos at nakakatulong sa atin na mas manalig pa sa Kanya. Paano nasasanay ang iyong puso na alalahanin ang Diyos at tumuon sa tunay na mahalaga ang pamumuhunan mo sa Kanyang kaharian?
𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Tumigil sandali at pag-isipan kung saan mo nilalagay ang iyong seguridad sa buhay. Ano ang magagawa mo upang ituon ang pansin sa Diyos araw-araw?
• Paano binubunyag ng salita ng Diyos kung saan talaga nakatuon ang iyong puso? Hilingin sa Diyos na ipakita Niya ang mga bahagi sa iyo na hindi kanais-nais.
• Paano mo isusulong ang kaharian ng Diyos sa iyong komunidad ngayong linggo? Maghanap ng pagkakataon na maging pagpapala ka para sa kapwa.
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Pasalamatan ang Diyos dahil Siya ang iyong yaman, seguridad, at kaginhawaan. Hilingin sa Kanya na bigyan ka ng kakayahan na laging ituon ang pansin sa mga bagay na mahalaga.
• Hilingin sa Diyos na tulungan ka na isabuhay ang Kanyang pagiging bukas-palad. Manalangin na makapagpunla ka ng pananampalataya at maging pagpapala para sa iba.
• Manalangin na buoin ng Diyos sa iyo ang isang puso na kagustuhan na isulong ang Kanyang kaharian. Hilingin sa Diyos na gamitin ka upang makahikayat sa mga nakapaligid sa iyo na magkaroon ng kaparehong pagnanais.