icon__search

Kilalanin Siya (Debosyon)

Week 1

๐—ช๐—”๐—ฅ๐—  ๐—จ๐—ฃ

โ€ข Ano ang madalas mong gawin para makilala ang isang tao? Nakikipagkita ka ba sa kanya o pinapadalhan mo ba siya ng mensahe? Magbigay ng halimbawa.

โ€ข Ano ang isang bagay na nasasabik kang gawin lagi? Matatawag mo ba ito na passion mo? Bakit?

โ€ข Ano ang samahan o kolaborasyon na nasalihan mo? Ano ang kinalabasan nito?ย 


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——

โ€œ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ: ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿณ:๐Ÿฏ


โ€œ. . . ๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ.โ€ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿญ


(Basahin din ang ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€“๐Ÿฎ๐Ÿด; ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ข ๐Ÿฎ:๐Ÿต; ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐Ÿณ:๐Ÿตโ€“๐Ÿญ๐Ÿฌ.)


Ang panalangin ni Jesus sa Juan 17 bago Siya pinagtaksilan at ipinako sa krus ay isang panalangin kung saan pumapagitna Siya sa pagitan ng tao at ng Diyosโ€”para sa Kanyang sarili, sa Kanyang mga disipulo, at sa lahat ng mananampalataya. Sa dasal na ito, sinabi ni Jesus na ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ay ang ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ang Diyos at si Jesus. Ang salitang ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข rito ay hindi isang mababaw na pagkakilala sa Diyos at sa mga nagawa Niya. Ang ibig sabihin nito ay malaman at maunawaan kung sino ba talaga ang Diyos. Kapag kilala natin ang Diyos, makikita natin ang pinagmumulan ng kagalakan at kahulugan ng buhay. Kapag kilala natin ang Diyos, makikilala natin ang Kanyang tinig at makikita natin kung sino ba talaga Siya. Ngayong araw, pag-uusapan natin kung paano nakakatulong ang pagkaunawa natin sa kung sino ang Diyos para maging konektado tayo sa Kanyang puso at misyon.


๐Ÿญ. ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

โ€œ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ: ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ.โ€ ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿญ๐Ÿณ:๐Ÿฏ


๐˜‰๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช, โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฑ.โ€ ๐—š๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐Ÿญ:๐Ÿฎ๐Ÿด


Dahil sa pagkalikha ng Diyos sa tao, mauunawaan natin ang Kanyang puso at misyon. Ginawa Niya tayong katulad ng wangis o imahe Niya at inatasang magpakarami at mangalat ng lahi bilang mga kinatawan Niya. Ang misyon ng Diyos ay makilala Siya at maranasan ang kapangyarihan Niya ng lahat ng nilikha, habang pinupuno at pinamamahalaan ng tao ang buong mundo, at ipinapakita ang imahe Niya. Ngunit dahil nagkasala ang sangkatauhan, ang mga tao at ang iba pang nilikha ay nasa estado ng pagkasira. Ang maganda rito ay hindi nagbabago ang misyon ng Diyos. Ang layunin ng Diyos ay iligtas ang sangkatauhan at lahat ng nilikha upang maibalik tayo sa orihinal Niyang layunin para sa atin. Ang kwentong ito tungkol sa misyon ng Diyos na iligtas tayo ay nangingibabaw sa Bibliya. Nabasa mo na ba ang Bibliya nang may ganitong pananaw? Paano nakakatulong ang salita ng Diyos para maintindihan natin ang katotohanang ito?


๐Ÿฎ. ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

โ€œ. . . ๐™†๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™–๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™œ๐™ค ๐™–๐™ ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ข๐™–, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ.โ€ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿญ


Hindi kaya ng mga tao na iligtas ang kanilang sarili mula sa kasalanan. Para maisagawa ang Kanyang layunin, ipinadala ng Ama ang Kanyang Anak, at ang misyon Niya ay iligtas tayo. Ibinigay kay Jesus ang pinakamahalagang misyon sa lahat. Ipinanganak Siya sa mundo upang mamuhay bilang tao, at namatay Siya sa krus upang akuin ang mga kasalanan natin kahit na wala naman Siyang kasalanan. Nabuhay Siyang muli, tinalo ang kamatayan at kasalanan magpakailanman, at ginawang abot-kamay ang kaligtasan para sa atin. Si Jesus ang tanging daan para maibalik ang mga tao sa Diyos at sa orihinal nilang layunin. Bakit mahalagang malaman na si Jesus lang ang tanging daan?


๐Ÿฏ. ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

โ€œ. . . ๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข, ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™จ๐™ช๐™œ๐™ค ๐™ ๐™ค ๐™ง๐™ž๐™ฃ.โ€ย ย ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ:๐Ÿฎ๐Ÿญ


Kasali tayo sa misyon ng Diyos. Gusto ng Diyos na makilala Siya ng mga bansa, at ibinigay sa atin ni Jesus ang dakilang utos: ang magdisipulo. Maaari natin itong gawin sa mga pamilya at komunidad natin, at sa iba pang mga bansa na rin. Bilang Kanyang katawan, tinatawag tayo na gawin Siyang kilala o tanyag. Ang marinig at personal na makilala ang Diyos ay simula lang. Dapat tayong sumama sa misyon na ipakilala Siya sa lahat. Ang pinakamahalagang kagustuhan ng Diyos para sa mundo ay ang mailigtas ang mga tao sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika, para makakilala at makasamba sila sa Diyos (Pahayag 7:9โ€“10). Mahal ng Diyos ang lahat ng mga bayan. Paano nakakatulong ang katotohanang ito para mahalin mo rin ang ibaโ€™t-ibang mga bayan?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

โ€ข Nakikilala natin si Jesus kapag nararanasan natin ang buhay kasama Siya. Ano ang mga paraan para mas lumalim ang pagkakakilala mo sa Diyos?

โ€ข Habang lumalalim ang debosyon natin sa Diyos, naririnig natin Siyang magsalita at nararanasan natin ang karunungan Niya. Ano ang mga pinaniniwalaan mong sinabi ng Diyos sa โ€˜yo kamakailan lang? Ano sa palagay mo ang iniuutos Niya sa โ€™yo?

โ€ข Ang pinakamahalagang larawang ibinigay sa atin ng Diyos ay ang makita ang bawat tribo na sumasamba sa Kanya. Paano mo naipapakita sa iyong buhay na bahagi ka ng misyon Niya?


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ

โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang pagmamahal sa mga bansa. Pasalamatan Siya dahil ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Jesus sa isang misyon upang iligtas tayo.

โ€ข Hilingin sa Diyos na patuloy Niyang ipaalam sa iyo ang nasa puso Niya habang nakikipag-usap ka sa Kanya at pinag-iisipan mo ang Kanyang salita ngayong linggo.

โ€ข Ipanalangin na matanggap mo ang Kanyang lakas at biyaya para buong-puso mong maisagawa ang tawag Niya na makilahok sa Kanyang misyon. Ipanalangin na maging malinaw sa iyo kung saan ka Niya inilalagay at matanggap mo ang kakayahang sundin ang Diyos dito.