icon__search

Panunumbalik

Week 10

๐—ช๐—”๐—ฅ๐— -๐—จ๐—ฃ
โ€ข Kung may aayusin kang gamit mo dati na ngayon ay sira na, ano ito at bakit mo ito gustong ayusin?
โ€ข Naranasan mo na bang pumunta sa isang lugar sa unang pagkakataon nang umaasa sa isang navigation tool o gamit na nagbibigay ng direksyon? Magkuwento tungkol sa naranasan mo at sa mga nangyari pagdating mo sa lugar.
โ€ข Ano ang mga ginagamit ninyo para mapanatiling ligtas ang inyong bahay mula sa mga taong hindi ninyo kilala at sa mga magnanakaw? Gaano ka-epektibo ang mga ito sa pagbibigay sa iyo ng kapanatagan na ikaw nga ay ligtas?


๐—ช๐—ข๐—ฅ๐——
๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, โ€œ๐˜š๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ. ๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿต:๐Ÿด

(Basahin din ang ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿต:๐Ÿตโ€“๐Ÿญ๐Ÿณ.)

Dahil sa kanilang kasalanan at pagsuway, ang mga mamamayan ng Diyos ay ipinadala sa Babilonia. Talunan, dinala sila sa ibang bayan, kung saan wala silang lugar upang sumamba sa kanilang Diyos. Sa gitna ng mahirap nilang kalagayan noong panahong iyon, nagpahayag si Isaias ng mga salitang nagbigay ng pag-asa, isang pangako ng pagpapanumbalik mula sa Diyos. Nais ng Diyos na tiyakin sa Kanyang mga mamamayan na hindi Niya sila kinalimutan at hindi Niya sila kailanman iiwan. Sa pahayag na ito, titingnan natin ang ipinangako ng Diyos na pagpapanumbalik sa Kanyang mga mamamayan.


๐Ÿญ. ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.
๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, โ€œ๐˜š๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข. ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ. ๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜š๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜๐˜ด๐˜ณ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ, โ€˜๐˜“๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ! ๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ!โ€™ ๐˜”๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ญ.โ€ ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿต:๐Ÿดโ€“๐Ÿต

Sa pamumuhay nila bilang mga mamamayang ipinatapon sa ibang lupain, kinaharap ng mga Judio ang isang kinabukasang walang katiyakan. Hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila bilang isang mamamayan. Ang pahayag ni Isaias ay nagbigay sa kanila ng katiyakan na hindi lamang sila palalayain ng Diyos kundi dadalhin Niya sila mula sa kadiliman tungo sa liwanag. Ang Diyos ay kumikilos sa ating mga buhay ngayon. Nagdadala Siya ng kalayaan sa pamamagitan ng pag-iimbita sa mga tao na magkaroon ng ugnayan sa Kanya. Isang ugnayang puno ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal sa gitna ng kawalan ng katiyakang kinakaharap natin. Paano mo naranasan sa buhay mo ang pagpapanumbalik ng kalayaan at liwanag ng Diyos?

๐Ÿฎ. ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.
โ€œ๐˜Ž๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ.โ€ ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿญ

Minsan, nalalagay tayo sa mga sitwasyon na kabaligtaran ng ipinangako ng Diyos. Ito ang kalagayan ng mga Israelita. Ipinangako ng Diyos ang kasaganaan at pagiging mabunga sa sarili nilang lupain, ngunit dahil sa kanilang pagsuway, natalo sila sa digmaan at ipinadala sa ibang bayan. Subalit sinabi ng Diyos na gagawin Niyang daanan ang Kanyang mga bundok ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ. Tumutukoy ito sa malinaw na daan na magbabalik sa Kanyang mga mamamayan sa kanilang sariling lupain. Hindi sila tinalikuran ng Diyos. Sa katunayan, pinamunuan Niya sila upang matanggap nila ang pamana at mga pagpapala na ipinangako Niya sa kanilang mga ninuno. Tulad nito, maaari rin tayong magkaroon ng katiyakan na habang pinahihintulutan natin ang Diyos na pamunuan tayo, matatanggap natin ang pamana Niya para sa atinโ€”anuman ang ipinangako Niya sa Kanyang salita na tutuparin Niya sa buhay natin kahit na ano pa ang ating kasalukuyang kalagayan. Paano nagsilbing gabay ang daan na ibinigay sa iyo ng Diyos upang matanggap mo ang Kanyang mga pagpapala?

๐Ÿฏ. ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.
๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜•๐˜–๐˜–๐˜•, โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ? ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ญ? ๐˜”๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข, ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ! ๐˜– ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฎ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ. ๐˜—๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ.โ€ ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—œ๐—”๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿต:๐Ÿญ๐Ÿฑโ€“๐Ÿญ๐Ÿฒ

Sinabihan ng Diyos ang Kanyang mga mamamayan na huwag tumingin sa kasalukuyan lamang na sitwasyon. Nasira man ang kanilang siyudad, hindi naman sila kinalimutan ng Diyos. Lagi Niyang iniisip ang Kanyang mga mamamayan at Siya ay puno ng habag. Siya ang kanilang proteksyon. Muli Niyang patatatagin ang Kanyang mga mamamayan at magkakaroon muli sila ng kapanatagan. Sa ating mga buhay, gusto rin ng Diyos na ipakita ang Kanyang habag at proteksyon. Bibigyan pa Niya tayo ng kakayahan upang muling maitatag ang anumang nawasak sa buhay natin. Sa palagay mo, bakit ginamit ng Diyos ang larawan ng isang inang nangangalaga sa kanyang anak upang ipahayag sa Kanyang mga mamamayan ang pagmamahal at pagkalinga Niya sa kanila? Paano naging mas dakila ang Diyos kaysa sa pinakamabuting ina sa buong mundo?


๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก
โ€ข Nakaranas ka na ba ng kawalan ng pag-asa at pagkatakot sa ilang bahagi ng buhay mo? Alin sa mga talata sa Bibliya ang nagpapakita sa iyo ng mga pangako ng Diyos na sa kasalukuyan ay may kaugnayan sa buhay mo at sa iyong pamilya? Isulat ang mga ito upang mapag-isipan mo sila ngayong linggo at makapagbigay sila ng pag-asa sa sitwasyon mo.
โ€ข Nananalig ka ba na makikita mo hindi lamang ang kasalukuyan mong kalagayan at magagawa mong magtiwala na ibabalik ng Diyos ang Kanyang liwanag, pamana, at proteksyon para sa iyo? Ano ang gagawin mo bilang tugon sa mensahe ngayong araw?
โ€ข Isipin ang isang tao na kailangang makaalala sa habag at proteksyon ng Diyos. Hingin sa Kanya na bigyan ka ng mga salita na magpapalakas ng loob ng taong ito. Kausapin mo siya at bigyan ng pag-asa ngayong linggo.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ
โ€ข Pasalamatan ang Diyos para sa ipinangako Niyang pagpapanumbalik. Ipanalangin na magkaroon ka ng kapayapaan at kapanatagan na aakayin ka ng Diyos upang matanggap mo ang ipinangako Niya sa iyo anuman ang kalagayan mo ngayon.
โ€ข Hilingin sa Diyos na tulungan kang alisin ang anumang pag-aalinlangan sa puso mo, at magtiwala ka na ipapanumbalik Niya anuman ang tinangka ng kaaway na nakawin mula sa iyo. Ipanalangin na imulat ng Diyos ang iyong mga mata at tulungan kang makita ang buhay mo nang puno ng pananampalataya.
โ€ข Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng mga pagkakataon ngayong linggo upang ibahagi sa iba kung paano mo naranasan ang Kanyang kalayaan at liwanag.