๐ช๐๐ฅ๐ -๐จ๐ฃ
โข Noong mas bata ka pa, gaano kadalas kang nakikilahok sa mga aktibidad sa eskwelahan? Ikwento ang isang pagkakataong nagbibigay paliwanag dito.
โข Paano ka tumutugon sa mga pambansa at lokal na programa ng gobyerno? Gamit ang bilang na isa hanggang sampu, ano ang puntos na ibibigay mo sa iyong pakikilahok sa mga ito?
โข Sa palagay mo, ano ang ibig sabihin ng pagiging isang mabuting mamamayan? Bakit ito ang naisip mo?
๐ช๐ข๐ฅ๐
๐๐ถ๐ฎ๐ช๐ญ๐ช ๐ด๐ช ๐๐ข๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ถ๐ด ๐ฏ๐จ 120 ๐จ๐ฐ๐ฃ๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ข๐ฅ๐ฐ๐ณ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ข๐ณ๐ช๐ข๐ฏ. ๐๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐จ๐ฐ๐ฃ๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ข๐ฅ๐ฐ๐ณ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐสผ๐บ ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ช๐ฎ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ต๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฅ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฐ๐ณ, ๐ข๐ต ๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐บ ๐ด๐ช ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ. ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ช๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ณ๐ช. ๐๐ช ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐ช ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ช๐ฉ๐ช๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐บ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ, ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ฃ๐ช๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ณ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ข๐ณ๐ช๐ข๐ฏ. ๐๐๐ก๐๐๐ ๐ฒ:๐ญโ๐ฏ
Upang hindi natin maisip na ang pagtugon ng mga Kristiyano sa mga isyung politikal ay laging relihiyoso at espirituwal, ipapaliwanag sa araling ito na dapat rin tayong makilahok sa larangang politikal ng ating bansa. Ang pinag-uusapan natin ay ang paglabas sa mga limitasyon ng ating iglesya at pagdiretso sa puso ng sibikong pakikilahok.
Sa kuwentong ito ni Daniel, masisilip natin ang kamangha-mangha niyang buhay na inilaan niya sa paglilingkod sa Diyos sa larangan ng politika. Ang ginawa niyang pagbabalanse, ang paraan niya ng pagtugon sa mga hidwaan tungkol sa politika at relihiyon, at ang personal na kabanalang ipinakita niya sa loob ng kanyang mahabang panahong pagsisilbi bilang opisyal ng korte ay nagpapakita na posibleng maging tapat sa Diyos habang naglilingkod sa isang rehimeng iba ang mga espirituwal na paniniwala. Dahil kahanga-hanga ang nakikita ng publiko sa buhay ni Daniel, nang bumagsak ang kaharian ng Babilonia at pumalit ang imperyo ng Persya, itinalaga pa rin ng bagong hari si Daniel sa isang makapangyarihang posisyon.
Hindi man lubos na magiging katulad ng kwento ni Daniel ang kasalukuyan nating nararanasan sa larangang politikal, magagamit pa rin natin ang mga prinsipyong matututunan natin mula rito.
๐ญ. ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ.
๐๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด, ๐ฃ๐ถ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช๐ฌ ๐ด๐ช ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ช๐ฐ๐ค ๐ฏ๐ข ๐ช๐ฏ๐ถ๐ต๐ถ๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ณ๐ช ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐ณ๐ถ๐ณ๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ฐ๐ฏ๐ช๐ข. ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข, โ๐๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฎ๐ฐ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ช๐ฏ; ๐ฅ๐ข๐ญ๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฉ๐ข๐ณ๐ช ๐ข๐ต ๐ช๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐จ ๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐ช๐ฑ.โ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐ฎ:๐ฎ๐ฐ
Noong bata pa si Daniel at iniutos ni Haring Nebucadnezar na patayin ang mga marurunong sa Babilonia dahil nabigo silang ikuwento at ipaliwanag sa hari ang panaginip niya, kusang loob na pumunta si Daniel sa hari kahit na hindi pa niya alam kung ano ang napanaginipan nito. Ginawa ito ni Daniel ito upang iligtas ang kanyang sarili at ang mga kaibigan niya. Dahil sa ginawa niyang pagkukusa, nailigtas din ang lahat ng mga marurunong sa kaharian. Tumaas pa ang kanyang posisyon dahil dito.
Si Obadias, ang punong tagapaglingkod sa sambahayan ni Haring Ahab, ang lihim na nagligtas sa 100 propeta ng Panginoon noong sinimulan ng reyna ang pagpapapatay sa kanila para ipalaganap sa Israel ang pagsamba kay Baal (1 Mga Hari 18:3). Ang paglilingkod niya sa mga propeta ng Diyos at sa bansa ng Israel ay hindi alam ng karamihan noong nabubuhay pa siya. Ngunit ipinapakita ng mga tala sa Bibliya kung paano pinarangalan ng Diyos ang pagpapakita niya ng katapatanโkahit naging mapanganib ito para sa kanya.
Naglingkod si Daniel sa Diyos sa isang posisyon na may politikal na kapangyarihan. Pinaglingkuran ni Obadias ang Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng anumang makakayanan niya bilang isang ordinaryong mamamayan. Naglingkod si Moises bilang isang tagapagpalaya, si Josue bilang isang pinuno ng sandatahang lakas, si David bilang isang hari, si Ezra bilang isang pari, si Nehemiah bilang isang empleyado ng pamahalaan, at ganon din ang ginawa ng marami pang iba ayon sa kasaysayang inilahad sa Bibliya. Ang lahat ng mga taong ito ay nagpahayag ng paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao sa ibaโt ibang pamamaraan.
Hinihimok nito ang mga Kristiyano na ipanalangin kung paano sila makapaglilingkod sa pamamagitan ng kanilang mga kakayahan at talento. Maaaring ang iba ay nais magtrabaho sa mga NGO o mga organisasyong hindi pinatatakbo ng gobyerno, maglingkod bilang mga guro sa mga pampublikong paaralan, o kaya ay maging bahagi ng kapulisan. Ang iba naman na may kagustuhan at kakayahan ay maaaring tumakbo para sa mga posisyon sa gobyerno. Paano ka tutugon kung ang kaibigan mong nagmamahal sa Diyos at nagnanais makapaglingkod sa mga tao ay piniling tumakbo para sa isang posisyon sa gobyerno? Ano ang sasabihin mo sa kanya?
๐ฎ. ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ.
๐๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ด๐ข๐ฃ๐ช ๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐จ ๐๐ด๐ณ๐ข๐ฆ๐ญ, ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐จ๐ข-๐๐ฆ๐ณ๐ถ๐ด๐ข๐ญ๐ฆ๐ฎ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช๐ฉ๐ข๐จ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ฐ๐ฏ๐ช๐ข. โ๐๐ข๐จ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐ต ๐ฅ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ช๐ณ๐ข. ๐๐ข๐จ๐ต๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ช. ๐๐ข๐จ-๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ. ๐๐ข๐บ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ-๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ช. ๐๐ถ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฏ๐จ๐ด๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ. ๐๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ ๐ฏสผ๐บ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ถ๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ.โ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ต:๐ฐโ๐ณ
Kapag naiisip ng mga tao ang politika, madalas nilang naiisip ang mga politiko, politikal na kontrobersya, at eleksyon. Hindi nakapagtataka na maraming taong pinipili ang umurong at hindi na lang makilahok dito. Hindi nila gusto ang mga pagtatalo sa politika. Subalit maraming paraan upang makilahok sa politika nang hindi nakikipagtalo at hindi nakikipagpalitan ng maaanghang na salita.
Noong dinala ang mga Judio sa ibang bayan, hinimok ni Jeremias ang mga mamamayan ng Diyos na itaguyod ang makabubuti para sa lungsod kung saan sila naninirahan. Nais niya na magpatayo ang mga Judio ng bahay, gumawa ng mga hardin, ipakasal ang kanilang mga anak, makilahok sa pakikipagkalakalan at iba pang industriya, at maging mga kapakipakinabang na mamamayan ng Babilonia. Praktikal lamang ang dahilan niya: anumang gawin nila na para sa ikabubuti ng lupaing iyon ay makabubuti rin para sa kanila.
Sa kasalukuyan nating konteksto, maaaring ang kahulugan nito ay pagpapatatag ng pagsasama ng mga mag-asawa, pagpapalaki ng mga maka-Diyos na anak, pagiging mahusay sa trabaho, pakikilahok sa mga proyekto sa komunidad, at pakikibahagi sa iba pang mga gawain sa lipunan gaya ng pag-oorganisa ng mga liga o ๐ฃ๐ฐ๐ฐ๐ฌ ๐ค๐ญ๐ถ๐ฃ, pagsasanay sa pagbibigay ng ๐ง๐ช๐ณ๐ด๐ต ๐ข๐ช๐ฅ, o kaya ay pagtuturo sa mga estudyanteng walang kakayahang mag-aral tungkol sa mga paksa kung saan ka dalubhasa.
Dito natin makikita ang praktikal na pakikilahok sa politika. Hindi ito pakikipag-away at paninira ng kalooban kundi pagmamahal, pagsasakripisyo, at paggawa ng kabutihan. Ikwento kung paano naging isang ehemplo para sa iyo ang isang mananampalataya or miyembro ng iyong iglesya sa larangan ng pagtataguyod ng komunidad. Ano ang natutunan mo sa naging motibo at karanasan niya?
๐ฏ. ๐ ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐๐บ๐ผ๐๐ผ.
๐๐บ๐ข๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฌ๐ช๐ต ๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ธ๐ช๐ด. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ข๐บ ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ต ๐ช๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฉ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ฑ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ถ๐ญ๐ช๐ฏ. ๐๐ข๐บ๐ข ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ. ๐๐ข๐บ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ถ๐ธ๐ช๐ด, ๐ช๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ช๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ. ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐-๐ฅ๐ข๐ ๐ ๐ญ๐ฏ:๐ฒโ๐ณ
Ang isa pang paraan ng pakikilahok sa prosesong politikal ng ating bansa ay ang pagbabayad ng buwis at pagboto. Magkaugnay ang dalawang ito.
Ang buwis ay ginagamit para sa kapaki-pakinabang na pagpapatakbo ng lipunan, kasama rito ang paggastos para sa mga ospital, mga daan at tulay, edukasyon, at marami pang iba. Dahil dito, ang mga mamamayan ay obligadong magbayad ng buwis. Ngunit paano natin matitiyak na maayos ang paggastos ng mga opisyal ng pamahalaan sa ating buwis? May magagawa tayo tungkol dito kung makikibahagi tayo sa eleksyon sa pamamagitan ng pagkampanya para sa mga makatuwirang mga programa o mga gawain, pagboto sa mga kandidatong kumakatawan sa ating mga pagpapahalaga, at paggawa ng makakaya natin upang tiyakin ang matapat na eleksyon. Marahil ay labis nitong ginawang simple ang mga sistema ng gobyerno, ngunit malinaw ang tinutukoy nito: lahat tayo, bilang isang indibidwal man o isang grupo, ay may responsibilidad bilang mamamayan. Ang boto natin ang magtatakda ng direksyon at kinabukasan ng ating bansa.
Mahalaga ang biblikal na pag-unawa natin sa ating tungkulin bilang mga Kristiyanong mamamayan sa mga kasalukuyang pagtatalo ๐ฐ๐ฏ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฆ tungkol sa politika at sa proseso nito. Madaling magpaganda ng imahe o kaya ay mangutya ng mga kandidato gamit ang ating mga ๐ฌ๐ฆ๐บ๐ฃ๐ฐ๐ข๐ณ๐ฅ. Ngunit bilang mga Kristiyano, dapat nating harapin ang eleksyon nang may hinahon at takot sa Panginoon. Hindi tayo mabibigo kapag natalo ang kandidato natin. Ngunit pagdurusahan natin ang epekto ng pagkakaluklok sa kapangyarihan ng mga tiwali at masasamang tao. Paano mo mahihikayat ang iba na makilahok sa politikal na proseso? Bakit ito ang naisip mo?
๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
โข Ano ang mga saloobin at opinyon mo tungkol sa pakikilahok sa mga sibikong gawain? Paano hinamon ng araling ito ang mga saloobin at opinyong iyon?
โข Ano ang pagbabago na gusto mong makitang mangyari sa iyong lipunan at sa iyong bansa, at ano ang handa kang gawin para dito?
โข Ano ang ibig sabihin ng pagiging isang mabuting mamamayan, ayon sa Bibliya? Sino ang mahihikayat mo ngayong linggo tungkol dito? Ano ang sasabihin mo sa kanya?
๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ฅ
โข Pasalamatan ang Diyos sa mga ehemplo sa Bibliya na nagpakita ng pakikilahok sa gobyerno. Humingi sa Diyos ng karunungan at grasya upang maisapamuhay mo ang mga natutunan mo ngayong linggo.
โข Ipanalanging makilahok ang mga tao sa prosesong politikal at maisalamin nila ang Diyos sa mga gawaing panlipunan.
โข Hingin sa Diyos na maglingkod sa gobyerno at sa iyong bansa ang mga maka-Diyos at matuwid na lider, upang magliwanag ang Kanyang ilaw sa mga madidilim na bahagi ng lipunan.
Makilahok
Week 2
Share
Facebook
Twitter
Link
https://victorygroups.subspla.sh/qgg34pw
Copy
Copy this text
Embed code
<div style="position:relative;width:100%;height:0;padding-top:56.25%;"><iframe src="https://subsplash.com/+yh3k/embed/mi/+qgg34pw?info&embeddable&shareable&logo_watermark" frameborder="0" webkitallowfullscreen mozallowfullscreen allowfullscreen style="position:absolute;top:0;left:0;width:100%;height:100%;"></iframe></div>
Copy
Copy this text
Related