icon__search

Ang Tanong Tungkol sa Vote Buying

Week 2

𝗪𝗔𝗥𝗠-𝗨𝗣
• Masasabi mo bang ikaw ay isang taong mahilig makipagkumprontasyon? Magbahagi ng isang pagkakataong nagpapakita nito.
• Paano mo pinagpapasyahan kung gagawin mo ba o hindi ang isang bagay? Ibahagi ang isang proseso ng pagpapasya na ginawa mo kamakailan lamang.
• Ibahagi sa grupo ang isa sa mga suliranin sa lipunan na pinakabumabagabag sa iyo.


𝗪𝗢𝗥𝗗
𝘔𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘸𝘪𝘥, 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘯𝘵𝘢𝘥. 𝗞𝗔𝗪𝗜𝗞𝗔𝗔𝗡 𝟭𝟬:𝟵

Isang mahalagang alalahaning etikal na kailangang pag-usapan ng mga Kristiyano ay ang usapin ng vote buying o pagbili at pagbenta ng boto. Tama ba ang tumanggap ng pera mula sa mga politiko kapalit ang kanilang boto?

Ayon sa 𝘚𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 261 ng Omnibus Election Code ng Pilipinas, ang pagbili at pagbenta ng boto ay isang pagkakasala sa eleksyon. Dito pa lamang ay alam na natin na tapos na ang usapan. Para sa mga taong pinahahalagahan ang kabutihan ng publiko, kinikilala natin na saklaw ng ating batas ang lahat ng tama at mali pagdating sa demokratikong eleksyon. Ngunit nananatili ang mga katanungan kapag may pamantayan na idinagdag dito. Paano kung kuhain ko ang pera ngunit iba ang iboboto ko? Paano kung ang perang ibinigay ay hindi para bilhin ang boto ko, kundi isang simpleng pagpapakita ng kabutihan?

Maraming mga umuusbong na sosyolohikal na pag-aaral tungkol sa pagbili at pagbenta ng boto. Isa sa mga mahahalagang natuklasan sa kasalukuyan ay kung paano nagkakaiba-iba sa paningin ng mga tao ang kahulugan ng palitan ng pera. Halimbawa, para sa mga taong nasa laylayan ng lipunan, ang palitan na ito ay hindi isang transaksyong ekonomikal kundi ang tanging pagkakataon upang makakuha sila ng benepisyo mula sa mga tao sa gobyerno. Para sa kanila, ang pagtanggap ng pera ay isang tamang paraan ng pag-angkin ng bagay na dapat ay inilaan para sa kanila.

Ang ganitong pananaw sa palitan ng pera tuwing panahon ng eleksyon ay nagbibigay sa atin ng pagkaunawa tungkol sa kalagayan ng mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan. Ang pagbili at pagbenta ng boto ay mga gawaing illegal ayon sa ating batas. Ngunit ipinapakita ng mga prohibisyon at mga paglabag dito ang mas malawakang isyu pagdating sa hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan. Bilang mga Kristiyano, paano natin pangangasiwaan nang wasto ang ganitong klaseng tensyon?

𝟭. 𝗞𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗸𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝘆𝘂.
“𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘴𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘩𝘶𝘴𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘶𝘴𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘸𝘢 𝘢𝘺 𝘨𝘢𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘩𝘶𝘩𝘶𝘴𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘮𝘰 𝘱𝘪𝘯𝘶𝘱𝘶𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘸𝘢 𝘮𝘰, 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢-𝘵𝘳𝘰𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘮𝘰?
𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟳:𝟭–𝟯

Ito ay hindi para ikondena ang pagbili at pagbenta ng boto. Ang mali ay mali anuman ang gawin upang bigyang-katwiran ito. Ang itinakda ng batas ay nararapat pagtibayin para sa kapakanan ng ating pampublikong patotoo bilang Kristiyano. Ngunit ang malawak ng kontekstong panlipunan ng pagbili at pagbenta ng mga boto ang nagiging daan upang mamulat tayo sa kalagayan ng mga mahihirap sa ating lipunan.

Para sa mga Kristiyano, kapaki-pakinabang ito sa dalawang paraan. Una, nababawasan ang ating panghuhusga at mas nakikita natin ang mga nasa laylayan ng lipunan nang may pakikiramay. Pangalawa, maaaring magamit ng mga nasa posisyon ng kapangyarihan ang impormasyong ito upang ilaban ang mga polisiya na mag-aangat ng buhay ng mga mahihirap.

Bakit may mga isyu na tila mas komplikado pa kaysa sa nakikita tungkol dito? Paano natin dapat tingnan ang mga ganitong isyu?

𝟮. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝗸𝗹𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗶𝗮𝗻.
𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘶𝘭𝘶𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘥𝘪𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯, 𝘴𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘱, 𝘪𝘱𝘢𝘮𝘶𝘬𝘩𝘢 𝘯ʼ𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢. (𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘩𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘯𝘨𝘨𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘮𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘩𝘪𝘮.) 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔-𝗘𝗙𝗘𝗦𝗢 𝟱:𝟭𝟭–𝟭𝟮

Ang pagbili ng boto ay hindi mag-isang ginagawa ng isang tao sa isang sulok. Bahagi ito ng isang mas malawak na sistema ng katiwalian na nagsisimula bago pa man maupo sa kanyang puwesto ang isang politiko. Kapag ang isang kandidato ay nagbayad para sa mga boto, hindi siya patas na nakikipaglaban at sa halip ay gumagamit ng ilegal na paraan para manalo. Kung ang kandidato ay gumagawa na ng isang ilegal na bagay ngayon, sino ang makapagsasabi kung ano pang mga ilegal na bagay ang susunod niyang gagawin kapag siya ay naka-upo na sa pwesto.

Ngunit ang kamalian sa pagbili ng boto ay hindi nagtatapos sa mga kandidato. Ang mga botante ay may pagkakamali rin. Kapag hinahayaan ng mga botante na bilhin ang kanilang boto, tumutulong sila sa pagbuo ng lipunan kung saan ang mga kandidato lamang na maraming salapi ang maaaring manalo sa eleksyon. Ang mga kaisipan, plataporma, karanasan, at pagpapahalaga ay isinasantabi para sa salapi. Sa larangan ng moralidad, ito ay mali.

Ang Bibliya ay nagbibigay ng babala para sa mga mamamayan ng Diyos: huwag makilahok sa mga gawain ng kadiliman. Ibunyag kung ano ang mga ito. Ayon sa Mga Taga-Efeso 5:8, sino tayo at paano tayo dapat mamuhay?

𝟯. 𝗣𝗮𝗴-𝘂𝘀𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘂𝘀𝗮𝗽𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻𝗼.
"𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘺 𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘯𝘵𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘢. 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨, 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴.” 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝟯:𝟮𝟬–𝟮𝟭

Ang hindi natin hayagang pakikipag-usap sa ating mga Kristiyanong kaibigan tungkol sa pagbili at pagbenta ng boto ay isa sa mga palatandaan na mali ito. Tila may pakiramdam na dapat itong itago at hindi natin ito magawang dalhin sa liwanag. Ayon sa Bibliya, ang 𝘯𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨, 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴. Ang ibig sabihin nito ay malinis ang ating konsensya sa harap ng Diyos. Sa palagay mo, bakit nailalantad ng liwanag ang katotohan? Paano nakakatulong ang pag-uusap tungkol sa mga paksang ito sa paglalantad ng katotohanan?


𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
• Ano ang gagawin mo kung ikaw ay aalukin ng pera o pansariling pakinabang kapalit ng iyong moralidad at paglabag sa iyong konsensiya? Sa palagay mo, ano ang magbibigay sa iyo ng kakayahang tanggihan ito?
• Sa tingin mo, bakit mayroong siklo ng katiwalian? Ano ang pinanggagalingan nito at ano ang solusyon? Ano ang nagiging bahagi mo dito?
• Paano ka magiging isang mabuting ehemplo para sa ibang tao? Ano ang sisimulan mong baguhin simula ngayon?


𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥
• Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang Salita na gumagabay at nagtuturo sa atin. Bilang isang nananampalataya, ideklara na ang salita ng Diyos ang pangunahing awtoridad sa iyong buhay.
• Ipanalangin na makilala ang Diyos ng mga tao sa iyong bansa at gumawa ng mga desisyon na nagbibigay karangalan sa Kanya at hindi sa kanilang sarili o sa iba.
• Ipanalangin na magkaroon ng mga matuwid na pinuno sa gobyerno na magtitiwala sa Diyos at gagawin kung ano ang tama.